Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Natuto Siya sa Kaniyang mga Pagkakamali
    Ang Bantayan—2009 | Enero 1
    • Dahil wala naman siyang maitutulong, pumunta si Jonas sa ibabang palapag ng barko at nakahanap ng isang dakong mahihigaan. Doon, nakatulog siya nang mahimbing.b Pinuntahan ng kapitan si Jonas, ginising siya, at hinimok siyang manalangin sa kaniyang diyos, gaya ng ginagawa ng iba. Dahil kumbinsido ang mga marinero na may kababalaghan sa likod ng bagyong ito, nagpalabunutan sila para makita kung sino sa mga naroroon ang maaaring sanhi ng kanilang problema. Tiyak na nanlumo si Jonas habang isa-isang naaalis sa palabunutan ang mga naroroon. Di-nagtagal, naging malinaw ang katotohanan. Minamaniobra ni Jehova ang mga bagay-bagay​—ang bagyo, pati na ang palabunutan​—para ituro ang isang tao, si Jonas!​—Jonas 1:5-7.

  • Natuto Siya sa Kaniyang mga Pagkakamali
    Ang Bantayan—2009 | Enero 1
    • b Idiniriin ng Septuagint na mahimbing ang tulog ni Jonas nang banggitin nito na siya ay humilik. Pero sa halip na isiping ang pagtulog ni Jonas ay tanda ng kawalang-malasakit sa bahagi niya, maaalaala natin na paminsan-minsan, inaantok ang iba dahil pinanghihinaan sila ng loob. Sa panahon ng matinding paghihirap ni Jesus sa hardin ng Getsemani, sina Pedro, Santiago, at Juan ay “umiidlip dahil sa pamimighati.”​—Lucas 22:45.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share