Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Magpatuloy Nawa ang Inyong Pag-ibig na Pangkapatid!
    Ang Bantayan—1997 | Agosto 1
    • 5. Paano natin nalalaman na si Jehova ay may damdaming pakikipagkapuwa?

      5 Si Jehova kaya ay may gayong damdaming pakikipagkapuwa? Tiyak iyon. Halimbawa, ganito ang mababasa natin tungkol sa pagdurusa ng kaniyang bayang Israel: “Sa lahat nilang kadalamhatian ay nagdadalamhati siya.” (Isaias 63:9) Hindi lamang nakita ni Jehova ang kanilang kabagabagan; nadama niya ang nadarama ng bayan. Kung gaano katindi ang nadarama niya ay inilalarawan sa sariling mga salita ni Jehova sa kaniyang bayan, na nakaulat sa Zacarias 2:8: “Siya na humihipo sa inyo ay humihipo sa bilog ng aking mata.”a Ganito ang sinabi ng isang komentarista hinggil sa talatang ito: “Ang mata ay isa sa pinakamasalimuot at pinakamaselan na bahagi ng katawan ng tao; at ang balintataw ng mata​—ang bukana na pinapasukan ng liwanag ng langit upang ito ay makakita​—ang siyang pinakasensitibo, gayundin ang pinakamahalaga, na bahagi ng sangkap na iyon. Wala nang hihigit pang makapaghahatid ng ideya ng napakagiliw na pagmamalasakit ni Jehova para sa mga iniibig niya.”

  • Magpatuloy Nawa ang Inyong Pag-ibig na Pangkapatid!
    Ang Bantayan—1997 | Agosto 1
    • a Ipinahihiwatig dito ng ilang tagapagsalin na ang isa na humihipo sa bayan ng Diyos ay humihipo, hindi sa mata ng Diyos, kundi sa mata ng Israel o maging sa kaniyang sariling mata. Ang pagkakamaling ito ay nagmula sa mga eskriba noong edad medya na bumago sa talatang ito dahil sa kanilang maling pagsisikap na ituwid ang mga talatang itinuturing nilang mapanghamak. Dahil dito ay pinalabo nila ang tindi ng personal na empatiya ni Jehova.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share