Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagtutuos Tungkol sa Paggamit sa mga Pondo ni Kristo
    Gumising!—1987 | Abril 22
    • 1. Anong pamahalaan ang walang anumang mga suliraning pangkabuhayan, at sino ngayon ang kailangang makipagtuos sa pamahalaang ito?

      MALIBAN sa isa, lahat ng pamahalaan ay may mga suliraning pangkabuhayan. Karamihan ng mga pamahalaan ay may malalaking pagkakautang. Ang isang pamahalaan na hindi kasali riyan ay ang ngayo’y malawakang ipinahahayag na “kaharian ng langit.” (Mateo 25:1) Mayroon pa sa lupa niyaong magiging mga membro ng makalangit na Kahariang iyan na naglilingkod sa pamahalaang iyan. Sa pinakamapanganib na panahong ito sa buong kasaysayan ng tao, ang mga lingkod na ito ng “kaharian ng langit” ay tinatawag upang makipagtuos. Kailangan silang makipagtuos sa pamahalaan sa kung paano nila ginamit ang mahalagang mga bagay na ipinagkatiwala sa kanila.

      2. Bakit tayo dapat maging lubhang interesado sa isang talinghaga na sinabi ng “Prinsipe ng Kapayapaan”?

      2 Upang ilarawan ang bagay na ito, isinaysay ng pangunahing kinatawan ng “kaharian ng langit” na iyan malaon nang panahon ang isang talinghaga, o isang ilustrasyon. Dapat itong makainteres sa atin sa ngayon, sapagkat isinama ito ng “Prinsipe ng Kapayapaan” sa kaniyang pangmatagalang hula tungkol sa “tanda” na magiging palatandaan ng kaniyang “pagkanaririto” sa Kaharian taglay ang lubos na awtoridad na mamahala. (Mateo 24:3) Hindi maiiwasan na tayo sa ngayon ay kasangkot sa mga resulta na kasunod ng katuparan ng makahulang talinghaga, yamang ang ating patuloy na pag-iral, ang atin mismong buhay, ay nasasangkot. Kaya ganito sinabi ng “Prinsipe ng Kapayapaan” ang talinghaga sa kaniyang mga apostol mga ilang araw bago ang kaniyang sakripisyong kamatayan sa Kalbaryo.

  • Pagtutuos Tungkol sa Paggamit sa mga Pondo ni Kristo
    Gumising!—1987 | Abril 22
    • 3. Paano pinangasiwaan ng mga alipin na tumanggap ng mga talento mula sa panginoon bago siya umalis ang mga ito noong siya ay wala?

      3 “Manatili nga kayong nagbabantay, kung gayon, sapagkat hindi ninyo nalalaman ang araw ni ang oras. Sapagkat iyon ay katulad ng isang tao, na nang maglalakbay na sa ibang lupain, ay tinawag niya ang kaniyang mga alipin at ipinagkatiwala sa kanila ang kaniyang mga ari-arian. At ang isa’y binigyan niya ng limang talento,a ang isa’y dalawa, at ang isa’y isa, sa bawat isa’y ayon sa kani-kaniyang kaya, at siya’y yumaon sa kaniyang paglalakbay. Ang tumanggap ng limang talento ay pagdaka’y yumaon at siya’y nangalakal at nakinabang ng lima pa. Sa gayon ding paraan ang tumanggap ng dalawa ay nakinabang ng dalawa pa. Subalit ang isang tumanggap ng isa lamang ay yumaon, at humukay sa lupa at doon itinago ang salaping pilak ng kaniyang panginoon.

  • Pagtutuos Tungkol sa Paggamit sa mga Pondo ni Kristo
    Gumising!—1987 | Abril 22
    • 6 “‘Kaya bawiin sa kaniya ang talento at ibigay sa may sampung talento. Sapagkat sa kaninuman na mayroon ay higit pa ang ibibigay at siya’y magkakaroon ng sagana; subalit sa kaniya na wala, maging yaon mang nasa kaniya ay babawiin sa kaniya. At ang walang-kabuluhang alipin ay ihagis sa kadiliman sa labas. Nariyan na ang pagtangis niya at ang pagngangalit ng kaniyang ngipin.’”​—Mateo 25:13-30.

  • Pagtutuos Tungkol sa Paggamit sa mga Pondo ni Kristo
    Gumising!—1987 | Abril 22
    • 9. (a) Bilang katuparan ng talinghaga, sino ang inilalarawan ng “tao,” at gaano kalayo ang nilakbay niya? (b) Anong katibayan mayroon upang ipakita ang kaniyang pagbabalik?

      9 Napakaraming katibayan ngayon na ang inilalarawan na “tao,” na mayroong di-kukulanging walong talentong pilak, ay nagbalik na mula sa kaniyang paglalakbay sa ibang lupain. Ang “taong” iyon ay si Kristo Jesus. Ang kaniyang paglalakbay sa ibang lupain ay nagdala sa kaniya sa kinaroroonan ng Maylikha ng araw, buwan, at mga bituin ng ating sansinukob. Upang tandaan ang kaniyang pagbabalik, tinigmak ng dugo ng dalawang digmaan ng pandaigdig na mga kasukat, pati na ng maraming iba pang mas maliliit na mga digmaan sa ngayon, ang ating lupa. Gaya ng inihula, ang mga ito ay sinamahan ng mga taggutom, salot, at mga lindol, at ng paglago ng katampalasanan at ng pangangaral ng “mabuting balitang ito ng kaharian” sa lahat ng tinatahanang lupa. Natupad nito ang mga detalye ng sinabi ni Jesus na magiging “tanda ng [kaniyang] pagkanaririto at ng katapusan ng sistema ng mga bagay.”​—Mateo 24:3-15.

      10. (a) Bakit naglakbay sa ibang lupain ang tao? (b) Bakit hindi aktuwal na nakita ng daigdig ng sangkatauhan ang kaniyang pagbabalik?

      10 Bagaman hindi espisipikong binanggit sa talinghaga ni Jesus, ang taong naglakbay sa ibang lupain, na mawawala sa loob ng mahabang panahon, ay naglakbay nga upang tamuhin “ang kaharian ng langit,” na tinukoy na mas maaga sa Mateo 25:1. Sa kabila ng pagsiklab ng Digmaang Pandaigdig I, iniluklok ng Diyos na Jehova, na ang kaharian sa Israel ay bumagsak noong 607 B.C.E., ang matuwid na Tagapagmana ng Kaharian noong 1914 C.E., sa takdang panahon upang ihinto ang pagyurak. Hindi, hindi nakita ng mga bansang Gentil ng kanilang likas na paningin ang pagluluklok sa trono ng Isa na tinawag ni Haring David na “aking Panginoon.” (Awit 110:1) Hindi nila maaaring gawin ang gayon sapagkat sinabi ng tao sa talinghaga, si Jesu-Kristo, sa kaniyang mga alagad, bago maglakbay sa ibang lupain: “Kaunti pang panahon at hindi na ako makikita ng sanlibutan.”​—Juan 14:19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share