Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Lubusang Magtiwala kay Jehova sa mga Panahon ng Kabagabagan
    Ang Bantayan—2003 | Setyembre 1
    • 7, 8. (a) Paano ipinakita ni Jesus na alam niyang may hilig ang di-sakdal na tao na labis na mabahala tungkol sa materyal na mga bagay? (Tingnan din ang talababa.) (b) Anong matalinong payo ang ibinigay ni Jesus tungkol sa kung paano iiwasan ang labis na kabalisahan?

      7 Sa Sermon sa Bundok, nagpayo si Jesus: “Huwag na kayong mabalisa tungkol sa inyong mga kaluluwa kung ano ang inyong kakainin o kung ano ang inyong iinumin, o tungkol sa inyong mga katawan kung ano ang inyong isusuot.”b (Mateo 6:25) Alam ni Jesus na likas na ikinababahala ng di-sakdal na mga tao ang pagtatamo ng pangunahing mga pangangailangan. Subalit paano natin magagawa na ‘huwag nang mabalisa’ sa gayong mga bagay? “Patuloy . . . na hanapin muna ang kaharian,” ang sabi ni Jesus. Anuman ang mga problema na makaharap natin, dapat nating patuloy na unahin sa ating buhay ang pagsamba kay Jehova. Kung gagawin natin ito, “idaragdag” sa atin ng ating makalangit na Ama ang lahat ng ating mga pangangailangan sa araw-araw. Sa anumang paraan, pangyayarihin niya na makaraos tayo.​—Mateo 6:33.

  • Lubusang Magtiwala kay Jehova sa mga Panahon ng Kabagabagan
    Ang Bantayan—2003 | Setyembre 1
    • b Ang kabalisahan na inilarawan dito ay binibigyang-kahulugan na “nakababahalang takot, na pumapawi ng lahat ng kagalakan sa buhay.” Ang ilang salin ay kababasahan ng “huwag mabalisa” o “huwag mabahala.” Ngunit ang gayong mga salin ay nagpapahiwatig na hindi tayo dapat magsimulang mabalisa o mabahala. Isang reperensiyang akda ang nagsabi: “Ang panahunan ng Griegong pandiwa ay nasa pautos na pangkasalukuyan, na nagpapahiwatig ng pag-uutos na huminto sa paggawa ng isang bagay na kasalukuyang ginaganap.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share