-
Isang Tiyak na Pag-asa Para sa mga PatayKapag Namatay ang Iyong Minamahal
-
-
Ang pagtugon ni Jesus sa pagkamatay ni Lazaro ay nagsisiwalat ng isang mapagmahal na damdamin ng Anak ng Diyos. Ang kaniyang labis na pagdaramdam sa pagkakataong ito ay maliwanag na nagpapahiwatig ng kaniyang matinding hangaring buhaying-muli ang mga patay. Mababasa natin: “Si Maria, nang siya ay dumating sa kinaroroonan ni Jesus at makita siya, ay sumubsob sa paanan niya, na sinasabi sa kaniya: ‘Panginoon, kung narito ka, ang aking kapatid ay hindi sana namatay.’ Sa gayon, si Jesus, nang kaniyang makita siya na tumatangis at ang mga Judio na sumama sa kaniya na tumatangis, ay dumaing sa espiritu at nabagabag; at sinabi niya: ‘Saan ninyo siya inilagay?’ Sinabi nila sa kaniya: ‘Panginoon, halika at tingnan mo.’ Si Jesus ay lumuha. Sa gayon ang mga Judio ay nagpasimulang magsabi: ‘Tingnan ninyo, kung anong pagmamahal mayroon siya para sa kaniya!’”—Juan 11:32-36.
Ang buong-pusong pagkahabag ni Jesus ay ipinahihiwatig rito sa pamamagitan ng tatlong salita: “dumaing,” “nabagabag,” at “lumuha.” Ang mga salita sa orihinal na wikang ginamit sa pag-uulat ng makabagbag-damdaming tanawing ito ay nagpapahiwatig na lubhang naapektuhan ang damdamin ni Jesus sa kamatayan ng kaniyang mahal na kaibigang si Lazaro at ang Kaniyang mga mata’y napunô ng luha sa pagkakitang tumatangis ang kapatid na babae ni Lazaro.a
Ang totoong kapansin-pansin ay na si Jesus ay dati nang bumuhay ng iba pang dalawa. At lubusan niyang hinangad na gayundin ang gawin kay Lazaro. (Juan 11:11, 23, 25) Gayunman, siya’y “lumuha.” Ang pagbuhay-muli sa mga tao, kung gayon, ay hindi lamang isang gawain para kay Jesus. Ang kaniyang mapagmahal at taimtim na damdamin na nakita sa pagkakataong ito ay maliwanag na nagpapahiwatig ng kaniyang matinding hangarin na wakasan na ang pamiminsala ng kamatayan.
Ang mapagmahal na damdamin ni Jesus nang buhaying-muli si Lazaro ay nagpapaaninag ng kaniyang matinding hangarin na wakasan na ang pamiminsala ng kamatayan
-
-
Isang Tiyak na Pag-asa Para sa mga PatayKapag Namatay ang Iyong Minamahal
-
-
a Ang Griegong salita na isinaling “dumaing” ay mula sa pandiwang (em·bri·maʹo·mai) na tanda ng nasaktan, o lubhang naapektuhang damdamin. Isang iskolar sa Bibliya ang nagsabi: “Dito iyon ay nangangahulugan lamang na ang gayong matinding emosyon ay dumaig kay Jesus anupat isang di-kinukusang pagdaing ang kumawala mula sa Kaniyang dibdib.” Ang salitang isinaling “nabagabag” ay mula sa Griegong salitang (ta·rasʹso) na nagpapahiwatig ng pagkabahala. Ayon sa isang lexicograpo, iyo’y nangangahulugang “magdulot ng pagkaligalig sa kalooban, . . . maapektuhan ng matinding sakít o kalumbayan.” Ang salitang “lumuha” ay mula sa Griegong pandiwang (da·kryʹo) na nangangahulugang “umiyak, humibik.”
-