Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • 1 | Huwag Magtangi
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2022 | No. 1
    • Turo ng Bibliya:

      “Hindi nagtatangi ang Diyos, kundi tinatanggap niya ang tao na natatakot sa kaniya at gumagawa ng tama, saanmang bansa ito nagmula.”​—GAWA 10:34, 35.

      Ang Ibig Sabihin:

      Hindi tayo hinahatulan ng Diyos na Jehovaa dahil sa ating bansang pinagmulan, lahi, kulay ng balat, o kultura. Sa halip, tinitingnan niya kung ano talaga ang mas mahalaga—ang ating pagkatao. Sinasabi rin ng Bibliya na “ang tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, pero si Jehova ay tumitingin sa puso.”​—1 Samuel 16:7.

  • 1 | Huwag Magtangi
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2022 | No. 1
    • Noong una, nahirapan si Titus na alisin ang poot sa puso niya. “Napakahirap baguhin ang aking pag-iisip at paggawi,” ang sabi niya. Pero nakatulong sa kaniya ang natutuhan niya sa Gawa 10:34, 35. Binanggit doon na ang Diyos ay hindi nagtatangi.

      Ano ang resulta? Sinabi ni Titus: “Kumbinsido ako na ang mga Saksi ni Jehova ang tunay na relihiyon nang makita ko ang pag-ibig nila sa isa’t isa, anuman ang kanilang lahi o kulay. Bago pa man ako mabautismuhan bilang isang Saksi, inanyayahan ako ng isang puting kakongregasyon ko sa kaniyang bahay upang kumain. Hindi ako makapaniwala. Hindi ko pa naranasang maupong katabi ng isang puti, ano pa kaya ang kumain sa bahay niya. Bahagi ako ngayon ng isang tunay na pambuong-daigdig na kapatiran.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share