-
“Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
7 Salansang si Bar-Jesus sa mensahe ng Kaharian. Kaya para hindi mawala ang impluwensiya niya bilang tagapayo ni Sergio Paulo, ang tanging paraan lang ay ang “pigilan na maging mananampalataya ang proconsul.” (Gawa 13:8) Pero hindi makapapayag si Saul na basta na lang niya panoorin ang mahiko ng palasyo habang inililihis nito ang interes ni Sergio Paulo. Kaya ano ang ginawa ni Saul? Sinasabi ng ulat: “Tinitigan siya [si Bar-Jesus] ni Saul, na tinatawag ding Pablo, na napuspos ng banal na espiritu; sinabi nito: ‘O taong punô ng bawat uri ng pandaraya at kasamaan, ikaw na anak ng Diyablo at kaaway ng bawat bagay na matuwid, hindi mo ba titigilan ang pagpilipit sa matuwid na mga daan ni Jehova? Tingnan mo! Kikilos laban sa iyo ang kamay ni Jehova, at mabubulag ka; pansamantala kang hindi makakakita ng liwanag ng araw.’ At biglang lumabo at dumilim ang paningin niya, at naghanap siya ng taong aakay sa kaniya.”g Ang resulta? “Pagkakita sa nangyari, naging mananampalataya ang proconsul, dahil namangha siya sa turo ni Jehova.”—Gawa 13:9-12.
-
-
“Masayang-masaya at . . . Napuspos ng Banal na Espiritu”‘Lubusang Magpatotoo Tungkol sa Kaharian ng Diyos’
-
-
g Mula sa pagkakataong ito, tinawag nang Pablo si Saul. Sinasabi ng ilan na ginamit niya ang kaniyang Romanong pangalan para parangalan si Sergio Paulo. Pero ang paggamit niya ng pangalang Pablo kahit wala na siya sa Ciprus ay nagpapahiwatig na ipinasiya na ni Pablo, “isang apostol para sa ibang mga bansa,” na gamitin na ang kaniyang Romanong pangalan. May isa pang posibleng dahilan. Ginamit na niya ang pangalang Pablo dahil ang bigkas ng mga Griego sa kaniyang Hebreong pangalang Saul ay katunog ng isang Griegong salita na may masamang kahulugan.—Roma 11:13.
-