Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Ang Tinig Nila ay Lumaganap sa Buong Lupa”
    Ang Bantayan—1989 | Enero 1
    • SA AWIT 19, pinapupurihan ni David ang mga kaningningan ng pisikal na mga paglalang ng Diyos at nagpapatuloy ng pagpapahayag ng marubdob na pagpapahalaga sa batas ni Jehova, sa kaniyang mga paalaala, pag-uutos, kautusan, at matuwid na mga kahatulan. Si apostol Pablo ay nagpakita rin ng pagpapahalaga sa mga bagay na ito. Siya’y sumipi sa awit na ito at pinalawak pa ang katuparan nito sa mahalagang gawain ng mga tunay na Kristiyano. Tungkol sa mga ito ay sinabi niya: “Ang tinig nila ay lumaganap sa buong lupa, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa mga kadulu-duluhan ng tinatahanang-lupa.”​—Roma 10:18.

      Ang mga ‘salitang’ ito ay makapagdadala ng buhay o kamatayan sa buong sangkatauhan sa ngayon, sapagkat ang matuwid na mga kahatulan ni Jehova ay halos ilalapat na sa balakyot na sistema ng mga bagay sa lupa. (Zefanias 2:2, 3; 3:8) Tunay na kailangang makilala ng sangkatauhan ang mabuting balita ng Kaharian ni Jehova. Saan ka man bumaling sa ngayon, makikita mo’y pagkakabaha-bahagi, katampalasanan, krimen, imoralidad, watak-watak na mga pamilya. Oo nga, may usap-usapan sa kapayapaan, subalit ang malalakas na bansa ay patuloy na gumagawa ng mga armas na lalong higit na mababagsik, samantalang ang mga miyembro ng ‘nuclear club’ ay patuloy na dumarami sa higit pang mga bansa. Ang mga kalagayan sa lupa ay malinaw na bumabagay sa “mga huling araw” na binanggit ni Pablo sa 2 Timoteo 3:1-5.

  • “Ang Tinig Nila ay Lumaganap sa Buong Lupa”
    Ang Bantayan—1989 | Enero 1
    • Nakatutuwa naman, isinugo ni Jehova ang kaniyang mga Saksi upang ipagbigay-alam sa mga tao na ang Kaharian ng Diyos ay naririto na at ito’y mangangahulugan ng kaligtasan at buhay na walang hanggan para sa mga taong makakikilala sa Diyos at sa kaniyang anak, si Jesu-Kristo. (Isaias 43:10, 12; Lucas 21:25, 26, 31; Juan 17:3) Ang mabuting balitang ito ay inihahayag “sa buong lupa.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share