Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w86 5/1 p. 25
  • “Malumanay” o mga “Sanggol”—Alin?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Malumanay” o mga “Sanggol”—Alin?
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
w86 5/1 p. 25

“Malumanay” o mga “Sanggol”​—Alin?

SA 1 TESALONICA 2:7 tinukoy ni apostol Pablo ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga kasama bilang naging “malumanay sa inyo, gaya ng isang nagpapasusong ina na nagmamahal sa kaniyang sariling mga anak.” Sa mga ilang salin (The Bible in Basic English; Today’s English Version) ang pagkasalin dito ay “malumanay,” subalit sa mga ibang salin (Westminster Version; American Translation) ang ginagamit na salita ay mga “sanggol” o mga “anak.” Bakit may ganitong pagkakaiba?

Ang sinunod ng mga tagapagsalin ay yaong isa sa dalawang nagkakaibang mga pagbasa na nasa mga teksto at mga manuskritong Griego. Sa mga ilang Griegong teksto (Textus Receptus, Tischendorf, Merk) at mga manuskrito ay kababasahan ng eʹpi·oi, na ang kahulugan ay “malumanay,” ngunit sa mga ibang tekstong Griego (Westcott and Hort, Nestle-Aland) at mga manuskrito ay mababasa ang neʹpioi, na ang ibig sabihin mga “sanggol.”

Tungkol dito, ang The New International Dictionary of New Testament Theology (Tomo I, 1975, pahina 282) ay nagsabi: “Dalawa ang maaaring pagkabasa sa 1 Tes. 2:7: (a) ēpioi (kami’y malumanay sa gitna ninyo); (b) nēpioi (mga sanggol). Ang nauunang salita [sa talatang ito] ay nagtatapos sa n, at malamang nga na ang n na ito ay nadoble dahil sa pagkakamali ng pagkopya. Datapuwat ang interpretasyon ng ikalawang pagbasa ay humahantong sa mga suliranin. Sapagkat sa tal. 7b1 Tesalonica 2:7b hindi ang kaniyang sarili kundi ang mga taga-Tesalonica ang inihahambing ni Pablo sa mga ‘anak’; siya at ang kaniyang mga kasamahan ay nakakatulad ng isang nars (trophos).” Angkop, kung gayon, na sa maraming salin ay mababasa roon ang “malumanay” imbis na mga “sanggol.”

Subalit bakit nga ba ginamit ni Pablo ang salitang “malumanay” dito? Ito’y dahilan sa tunay na pag-ibig at pag-iwas na huwag saktan ang espirituwal na paglaki niyaong tinuruan niya at ng kaniyang mga kapuwa misyonero. (1 Tesalonica 2:8) Si W. E. Vine (An Expository Dictionary of New Testament Words, 1962 muling pagkalimbag, Tomo II, pahina 145) ay bumanggit na ang eʹpi·os “ay malimit na ginagamit ng mga manunulat na Griego bilang kumakatawan sa isang nars na may nakayayamot na mga anak o isang guro na may mga iskolar na matitigas ang ulo, o ang mga magulang sa pakikitungo sa kanilang mga anak. Sa 1 Tes. 2:7, ito’y ginagamit ng Apostol tungkol sa pag-uugali niya at ng kaniyang mga kapuwa misyonero sa pakikitungo sa mga nakumberte sa Tesalonica.” Sa pagtuturo natin sa mga tao ng Salita ng Diyos, sana’y taglay nating lagi ang pagkamalumanay na ipinakita ni Pablo at ng kaniyang mga kasama at tularan ang kanilang halimbawa.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share