-
Isang Katumbas na Pantubos Para sa LahatAng Bantayan—1991 | Pebrero 15
-
-
Isang Katumbas na Pantubos
10. Bakit ang mga haing hayop ay hindi sapat na makapagtatakip sa mga kasalanan ng sangkatauhan?
10 Ipinakikita ng naunang parapo na ang isang pantubos ay kailangang maging katumbas ng tinutubos, o tinatakpan niyaon. Ang mga haing hayop na inihandog ng mga taong sumasampalataya mula kay Abel pasulong ay hindi talagang makapagtakip ng mga kasalanan ng mga tao, yamang ang mga tao ay nakatataas sa hamak na mga ganid. (Awit 8:4-8) Kaya naman si Pablo ay sumulat na “hindi maaari na ang dugo ng mga toro at ng mga kambing ay pumawi ng mga kasalanan.” Ang gayong mga hain ay maaaring magsilbi lamang na isang larawan, o simbolo, na nagtatakip sa pag-asang may pantubos na darating.—Hebreo 10:1-4.
11, 12. (a) Bakit hindi na kailangang libu-libong milyong mga tao ang mamatay bilang hain upang matakpan ang pagkamakasalanan ng sangkatauhan? (b) Sino lamang ang makapagsisilbing “isang katumbas na pantubos,” at sa anong layunin nagsisilbi ang kaniyang kamatayan?
11 Ang inihulang pantubos na ito ay kailangang eksaktong katumbas ni Adan, yamang ang parusang kamatayan na makatarungang ikinapit ng Diyos kay Adan ay nagbunga ng sumpa sa lahi ng tao. “Kay Adan lahat ay nangamamatay,” ang sabi ng 1 Corinto 15:22. Kaya hindi na kailangang libu-libong milyong mga indibiduwal na tao ang mamatay bilang katumbas na hain ng bawat isang indibiduwal na supling ni Adan. “Sa pamamagitan ng isang tao [si Adan] ang kasalanan ay pumasok sa sanlibutan at ang kamatayan sa pamamagitan ng kasalanan.” (Roma 5:12) At “yamang ang kamatayan ay pumasok sa pamamagitan ng isang tao,” ang katubusan ng sangkatauhan ay maaaring dumating din “sa pamamagitan ng isang tao.”—1 Corinto 15:21.
12 Ang taong maaaring maging pantubos ay kailangang isang sakdal na taong laman at dugo—ang eksaktong katumbas ni Adan. (Roma 5:14) Ang isang espiritung nilalang o isang “Diyos-tao” ay hindi maaaring makatimbang bilang pag-ayon sa katarungan. Tanging ang isang sakdal na tao, isang wala sa ilalim ng sintensiyang kamatayan na hatol kay Adan, ang makapaghahandog ng “isang katumbas na pantubos,” isang katumbas na katumbas ni Adan. (1 Timoteo 2:6)a Sa pamamagitan ng kusang paghahain ng kaniyang buhay, itong “huling Adan” na ito ay makapagbibigay ng kabayaran para sa kasalanan ng “unang taong si Adan.”—1 Corinto 15:45; Roma 6:23.
-
-
Isang Katumbas na Pantubos Para sa LahatAng Bantayan—1991 | Pebrero 15
-
-
a Ang salitang Griegong ginamit dito, na an·tiʹly·tron, ay hindi makikita saanman sa Bibliya. Ito’y kaugnay ng salitang ginamit ni Jesus para sa pantubos (lyʹtron) sa Marcos 10:45. Gayunman, sa The New International Dictionary of New Testament Theology binabanggit na sa an·tiʹly·tron ay ‘idiniriin ang ideya ng palitan.’ Angkop naman, ito’y isinasalin ng New World Translation na “katumbas na pantubos.”
-