-
Gawing Kanlungan ang Inyong PamilyaGumising!—2007 | Oktubre
-
-
“WALANG likas na pagmamahal.” Sa pamamagitan ng nakalulungkot na mga salitang ito inilarawan ng Bibliya ang maraming tao sa ating panahon, isang yugtong tinatawag na “mga huling araw.” (2 Timoteo 3:1, 3, 4) Ang laganap na pang-aabuso sa bata sa loob ng pamilya ay isang maliwanag na katibayang totoo nga ang hulang ito. Sa katunayan, ang orihinal na salitang Griegong aʹstor·gos, na isinalin sa Tagalog na “walang likas na pagmamahal,” ay nagpapahiwatig ng kawalan ng pag-ibig na dapat sana’y makita sa mga miyembro ng pamilya, lalo na sa pagitan ng mga magulang at mga anak.a At madalas na dito pa nga nagaganap ang pang-aabuso sa bata.
-
-
Gawing Kanlungan ang Inyong PamilyaGumising!—2007 | Oktubre
-
-
a Ang sinaunang Griegong salitang ito ay binigyang-kahulugan: “Walang-habag sa kamag-anak.” Kaya naman ganito ang pagkakasabi sa talatang ito ng isang salin sa Bibliya: “Ang mga tao’y . . . walang katutubong pag-ibig.”
-