-
Ang Disiplina na Makapagbubunga ng Bungang MapayapaAng Bantayan—1988 | Abril 15
-
-
8. Anong payo ang ibinigay ni apostol Juan tungkol dito?
8 Sa mga sinulat ni apostol Juan, makikita natin ang katulad na payo na nagdiriin kung paano kailangang lubusang iwasan ng mga Kristiyano ang gayong mga tao: “Ang sinumang nagpapauna at hindi nananatili sa aral ng Kristo ay hindi kinaroroonan ng Diyos . . . Kung sa inyo’y dumating ang sinuman at hindi dala ang aral na ito, huwag ninyong tanggapin siya sa inyong mga tahanan o batiin man. Sapagkat ang sa kaniya’y bumati [Griego, khaiʹro] ay nakakaramay sa kaniyang mga gawang balakyot.”a—2 Juan 9-11.
9, 10. (a) Ano ang nangyari sa di nagsising mga manlalabag-batas sa Israel, at bakit? (b) Ano ang dapat na madama natin tungkol sa kaayusan sa ngayon ukol sa pakikitungo sa mga taong itinitiwalag dahil sa kasalanang di-pinagsisihan? (2 Pedro 2:20-22)
9 Bakit angkop kahit na ngayon ang ganiyang matatag na paninindigan? Bueno, pag-isipan ang Kautusan ng Diyos sa Israel tungkol sa mahigpit na utos ng paghihiwalay. Sa iba’t ibang seryosong mga bagay, ang kusang mga manlalabag-batas ay pinapatay. (Levitico 20:10; Bilang 15:30, 31) Pagka ganiyan ang nangyari, ang mga iba, maging sila ma’y mga kamag-anak, ay hindi na maaaring makipag-usap sa pinatay na manlalabag-batas. (Levitico 19:1-4; Deuteronomio 13:1-5; 17:1-7) Bagaman ang tapat na mga Israelita noon ay normal na mga tao na may mga damdamin ding katulad ng sa atin, batid nila na ang Diyos ay makatuwiran at mapagmahal at ang kaniyang Kautusan ay proteksiyon sa kanilang moral at espirituwal na kalinisan. Kaya’t maaari nilang tanggapin na ang kaniyang kaayusan na ihiwalay ang mga nagkakasala ay mabuti at matuwid sa pangkalahatan.—Job 34:10-12.
-
-
Ang Disiplina na Makapagbubunga ng Bungang MapayapaAng Bantayan—1988 | Abril 15
-
-
a Ginamit dito ni Juan ang khaiʹro, na isang pagbati na katulad ng “magandang araw” o “hello.” (Gawa 15:23; Mateo 28:9) Hindi niya ginamit ang a·spaʹzo·mai (tulad ng nasa 2 Juan talatang 13), na ang ibig sabihin ay “yakapin ng mga bisig, samakatuwid ay batiin, tanggapin” at maaaring nagpapahiwatig ng ubod-init na pagbati, maaaring may kasamang pagyakap. (Lucas 10:4; 11:43; Gawa 20:1, 37; 1 Tesalonica 5:26) Kaya’t ang kaniyang tagubilin sa 2 Juan 11 ay maaaring mangahulugan ng hindi pagbati ng kahit na “hello” sa gayong mga tao.—Tingnan Ang Bantayan ng Hulyo 15, 1985, pahina 31.
-