Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • sjj awit 111
  • Mga Dahilan ng Ating Kagalakan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Mga Dahilan ng Ating Kagalakan
  • Umawit Nang Masaya kay Jehova
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Dahilan Natin Para Magalak
    Umawit kay Jehova
  • Kaligayahan Kong Gawin ang Kalooban Mo
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
  • Kagalakan—Isang Katangian Mula sa Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2018
  • Kagalakan Magpakailanman
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
Iba Pa
Umawit Nang Masaya kay Jehova
sjj awit 111

AWIT 111

Mga Dahilan ng Ating Kagalakan

Printed Edition

(Mateo 5:12)

  1. 1. Ang dahilan nati’y marami

    Upang tayo ay matuwa.

    Mga tupa ay sumasama,

    Nanggaling sa buong lupa.

    Tunay ang ating kagalakan,

    Sa Bibliya ay nakasalig.

    Araw-araw na pag-aralan,

    Sa narinig ay manalig.

    Kagalakan nati’y malalim,

    Nagniningas sa ’ting puso.

    Dumanas man ng suliranin,

    Kailanman ay ’di susuko.

    (KORO)

    Kagalakan natin si Jah!

    Mga gawa niya’y dakila.

    Karunungan niya, O kay lalim nga!

    Kabutihan niya’y sagana.

  2. 2. Likha niya’y kay ganda’t kay husay,

    Ang langit, dagat, at lupa,

    Masdan aklat ng kalikasan,

    Tunay na kamangha-mangha.

    Kagalakan nating mangaral,

    Kaharian ng Diyos ang paksa.

    Dulot na mga pagpapala

    O kay sayang ibalita.

    Walang-hanggang kaligayahan,

    Ngayon ay nalalapit na.

    Bagong langit at bagong lupa,

    Pangako ’yan ni Jehova!

    (KORO)

    Kagalakan natin si Jah!

    Mga gawa niya’y dakila.

    Karunungan niya, O kay lalim nga!

    Kabutihan niya’y sagana.

(Tingnan din ang Deut. 16:15; Isa. 12:6; Juan 15:11.)

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share