Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagmamasid sa Bahamas—Sa Pamamagitan ng Pangmalas ng Isang Naglalakbay na Ministro
    Ang Bantayan—1987 | Marso 15
    • tiyak na hindi naman iyon lasang dalanghita!

      Noon ay naisip kong medyo nababagayan ko na ang buhay sa isla kung hindi nga lamang sa isang pangyayari sa isa sa mga isla hindi pa gaanong natatagalan. Ako’y doon tumutuloy sa bahay ng isang may edad nang biyudo sa aking paglilingkod sa kongregasyon. Nang ako’y magising noong unang umaga, kaniyang inanyayahan ako na makisalo sa kaniya sa almusal. Naglaway ako sa aking pananabik​—hanggang sa kaniyang banggitin ang mga kakainin namin. “Piniritong pusa”! Nang ako’y papasok sa kusina at tatanggihan ko na ang kaniyang alok, nakita ko na siya’y nagpiprito ng pancakes. “Nasaan ang ‘mga piniritong pusa’?” ang tanong ko. Itinuro niya ang mga pancakes. Nakahinga ako nang maluwag, at kapuwa kami napahalakhak. Ang akala pala niya’y alam ko na ang tawag sa mga pancakes sa islang iyon ay mga piniritong pusa.

      Gantimpala sa Paglalakbay

      Dahilan sa kalayuan ng iba sa mga isla, lubhang kailangan ang higit pang mga ministro upang tumulong sa pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos. Ang pangangailangang ito ay hindi lamang upang marating ang mga tao sa Bahamas na nagsasalita ng Ingles kundi rin naman upang marating pati ang mga dayuhang taga-Haiti na Pranses ang wika.

      Ang pagiging isang naglalakbay na ministro sa Bahamas ay isang kapana-panabik na hamon na nangangailangan ng mga ilang pagbabago upang makabagay sa pamumuhay sa isla. Subalit mayroon din itong maraming kagantihan. Isa na rito ang walang kaparis na kagalakan ng pagkakita sa pagtugon ng mga tao sa pabalita ng Bibliya. Isa pa ay yaong magandang pribilehiyo na pagpapasigla sa espirituwal sa kalat-kalat na mga kongregasyon at nabubukod na mga grupo.

      Kami sa Bahamas ay naliligayahan sa kagandahan ng mga baybaying-dagat na kumikislap sa buhanginan na kulay-rosas at puti at sa nakabibighaning mga bahura ng korales na kung saan labas-masok ang mga isda. Subalit ang higit na ikinagagalak namin ay yaong nagaganap dito at sa buong globo. Bilang mga Saksi ni Jehova, nakikita natin na natutupad ang Awit 97:1. Sinasabi nito: “Si Jehova mismo ay naging hari! Magalak ang lupa. Magsaya ang maraming isla.”​—Inilahad ni Anthony Reed.

  • Ikaw ba ay Kakapit Nang Mahigpit sa Katotohanan?
    Ang Bantayan—1987 | Marso 15
    • Ikaw ba ay Kakapit Nang Mahigpit sa Katotohanan?

      KUNG ikaw ay nagsimula nang nakipag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova, ang pangunahing tanong na kailangang sagutin mo sa iyong sariling ikasisiya, Ito ba ang katotohanan? Kung makita mo na ito nga, ikaw ba ay kakapit nang mahigpit dito? Nahahawig na mga katanungan ang napaharap sa mga tao noong kaarawan ni Jesu-Kristo at ng kaniyang mga apostol.

      Nang ang mga apostol ay nangangaral tungkol kay Jesus, ano ba ang reaksiyon ng mga tao? Bueno, ang balita tungkol sa Kaharian ni Kristo, ang kaniyang mga himala, ang kaniyang haing pantubos, ang kaniyang pagkabuhay-muli, at ang buhay na walang-hanggan ay magandang pakinggan, at marami ang tumanggap sa kanilang napakinggan bilang ang katotohanan. Subalit ang karamihan ay hindi tumanggap dito. Sa katunayan, ang organisasyong Kristiyano noong panahong iyon ay “pinagsasalitaan ng laban dito” sa lahat ng dako. (Gawa 28:22) Kaya ang pagtanggap sa mga katotohanan na ipinangaral ng mga alagad ni Jesus ay pagsalungat laban sa popular na opinyon at paglaban sa pananalansang. Ang mga taong interesado samakatuwid ay kailangang patunayan sa kanilang sariling ikasisiya na ang mga turong Kristiyano ay siyang katotohanan. Sa pamamagitan lamang

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share