-
Mga PatalastasMinisteryo sa Kaharian—1989 | Setyembre
-
-
Mga Patalastas
● Alok na literatura sa Setyembre: Life—How Did It Get Here? By Evolution or by Creation?, malaking edisyon sa ₱42.00, maliit na edisyon sa ₱21.00. Oktubre: Isang taóng suskripsiyon para sa Gumising! sa ₱60.00. Nobyembre: Bibliyang New World Translation kasama ang brochure na Narito! sa ₱60.00. Disyembre: Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya sa ₱42.00.
● Pasimula sa Oktubre, ang mga tagapangasiwa ng sirkito ay magbibigay ng pahayag pangmadlang pinamagatang “Ang Araw ng Paghuhukom ng Diyos ay Darating ba sa Inyo Gaya ng Isang Silo?” kapag dumadalaw sa mga kongregasyon.
● Ang mga pidido para sa 1990 Yearbook at kalendaryo ay maaari nang ipadala ngayon sa Samahan. Kami ay nagpadala ng isang pantanging Yearbook and Calendar Order Blank sa bawa’t kongregasyon kasama ng statement ng kuwenta sa Hulyo. Kapag natanggap ninyo ito, punan ito at ibalik sa Samahan upang ito ay dumating sa tanggapang pansangay nang hindi lalampas sa Oktubre 1. Ang halaga ng Yearbook ay ₱14.00. Ang mga regular at espesyal payunir sa listahan mula ng Hulyo 1, 1989 o bago pa iyon ay tatanggap ng libreng kopya ng Yearbook, at ang kongregasyon ay hihiling ng credit para dito sa Remittance and Credit Request form (S-20) kapag kanilang ipinadala ang bayad matapos matanggap ang mga Yearbook. Ang mga payunir ay maaaring magkaroon ng karagdagang kopya para ilagay sa mga hindi pa bautisadong tao sa ₱7.00 ang isa. Pakisuyong ipakita ang libreng mga kopya na hiwalay sa kinuha sa halaga ng payunir kapag humihiling ng credit. Ang kalendaryo ay ₱14.00 din at walang ibang halaga para sa payunir, o kaya’y libre para sa mga payunir.
● Ang mga pidido ay maaari na rin ipadala para sa “Examining the Scriptures Daily”—1990. Ito ay ilalathala sa anyong bukleta sa lahat ng wika. Kami ay nagpadala ng isang pantanging order blank para dito kasama ng statement ng kuwenta sa Hulyo. Pakisuyong punan ito, na ipinakikita ang bilang na inyong kailangan sa bawa’t wika, at ibalik ito sa Samahan nang hindi lalampas sa Oktubre 1. Ang halaga ay ₱4.20 para sa mga mamamahayag. Isang libreng kopya ang ibibigay sa bawa’t regular at espesyal payunir na nasa listahan mula pa noong Hulyo 1, 1989 o bago iyon. Ang mga ekstrang kopya sa mga payunir ay ₱2.80. Ang credit ay dapat na hilingin ng katulad sa Yearbook.
● Makukuhang Bagong mga Publikasyon:
“Narito! Ginagawa Kong Bago ang Lahat ng mga Bagay” (brochure)—Bicol, Ibanag, Pangasinan, Samar-Leyte
Hosea–Malachi (set ng 3 cassette; mamamahayag: ₱67.50; payunir: ₱56.25)—Ingles
● Nasa ibaba ang mga pansamantalang petsa at dako para sa 1989 “Maka-Diyos na Debosyong” mga Pandistritong Kombensiyon:
Disyembre 22-24, 1989
Ilagan, Isabela: Isabela 1-4.
Vigan, Ilocos Sur: Abra 1, 2; Ilocos 1-4.
Binalonan, Pangasinan: Pangasinan 7, 8.
Mangaldan, Pangasinan: Pangasinan 3-6.
Quezon City (1): Manila 2, 3, 4.
Mabalacat, Pampanga: Pampanga 1; Tarlac 3.
Lucena City: Batangas 1, 2; Laguna 1, 2; Marinduque 1; Mindoro 1, 2; Quezon 1-4.
Iriga City: Albay 1, 2; Camarines 1-4; Catanduanes 1; Sorsogon 1.
Masbate, Masbate: Masbate 1, 2.
Iloilo City: Aklan 1; Antique 1; Capiz 1; Iloilo 1-4; Romblon 1.
Cebu City: Cebu 1-4.
Tacloban City: Leyte 1, 5; Samar 1-3.
Dumaguete City: Negros 2, 3.
Butuan City: Agusan 1, 2; Surigao 4.
Tagum, Davao del Norte: Agusan 3; Davao 5-9.
Tandag, Surigao del Sur: Surigao 1-3.
Oroquieta City: Misamis 3; Zamboanga 1, 2, 3, 5.
Tantangan, South Cotabato: Cotabato 2, 7.
Disyembre 29-31, 1989
Tuguegarao, Cagayan: Cagayan 1-6; Kalinga 1, 2.
Bayombong, Nueva Vizcaya: Isabela 5, 6; Nueva Vizcaya 1; Quirino 1.
Agoo, La Union: Benguet 1-4; La Union 1, 2; Mountain Province 1.
Alaminos, Pangasinan: Pangasinan 1, 2; Zambales 1.
Tarlac, Tarlac: Aurora 1; Nueva Ecija 1; Tarlac 1, 2.
Quezon City (2): Cavite 1, 2; Manila 5; Quezon City 1.
Marikina, Metro Manila: Bulacan 1, 2; Manila 1; Nueva Ecija 2; Quezon City 2; Rizal 1.
Balanga, Bataan: Bataan 1; Pampanga 2.
Puerto Princesa City: Palawan 1-3.
Bacolod City: Negros 1, 4.
Tagbilaran City: Bohol 1-3.
Maasin, Southern Leyte: Leyte 2, 3, 4.
General Santos City: Cotabato 1, 3, 4, 5, 6.
Davao City: Davao 1-4, 10-12.
Cagayan de Oro City: Bukidnon 1, 2; Lanao 1; Misamis 1, 2, 4.
Zamboanga City: Zamboanga 4.
-
-
Iginagalang Ba Ninyo ang Inyong Kingdom Hall?Ministeryo sa Kaharian—1989 | Setyembre
-
-
Iginagalang Ba Ninyo ang Inyong Kingdom Hall?
1 Yamang ang Kingdom Hall ay sentro ng tunay na pagsamba sa inyong lugar, ito’y karapatdapat sa ating mataas na pagpapahalaga. Ito’y dako kung saan tayo nakikipagtipon sa ating mga kapatid upang patibayin sila. (Heb. 10:24, 25) Talaga ba nating iginagalang ito? Tayong lahat ay dapat na makibahagi sa pag-iingat nito na malinis at nasa mabuting kalagayan. Kung ang ating grupo sa pag-aaral ng aklat ay naatasan na maglinis ng bulwagan, nanaisin nating makibahagi sa gawaing ito, anupa’t ipinakikita natin na ating pinahahalagahan ang isang malinis at kaakit-akit na pulungang dako.
2 Maipakikita nating lahat ang interes sa Kingdom Hall, maging tayo ay naatasang maglinis o hindi. Papaano? Sa pamamagitan ng pagpupunas ng ating mga paa kapag pumapasok sa bulwagan upang hindi makapagdala ng dumi. Kung tayo’y gumagamit ng palikuran, maaari nating punasan ang inodoro pagkatapos na gamitin iyon upang iwang malinis para sa susunod na gagamit niyaon. Dapat na karakarakang alisin ng mga nagtatrabaho sa despatso ng mga magasin at literatura ang mga kartong walang laman at mga pambalot. Ang lahat ng basura ay dapat na ilagay sa basurahan na inilaan para doon. Kung tayo ay nakakakita ng kalat sa sahig, dapat nating pulutin iyon sa halip na ipagpaubaya sa iba ang pagpulot niyaon. Ang Ating Ministeryo sa Kaharian noong Pebrero, 1989 ay nagbigay ng mga mungkahi upang maingatang malinis ang patalastasan. Ang iba pa ay dapat na makipagtulungan sa punong tagapangasiwa upang matiyak na ang payong ito ay nasusunod.—km 2/89, p. 4.
3 Ang gayunding simulain ay kapit kapag dumadalo sa mga asamblea. Ang lugar ng asamblea ay sentro ng pagsamba, at iyo’y dapat na igalang. Dapat tayong laging nagsusuri upang matiyak na hindi tayo nag-iiwan ng mga kalat sa dakong ating inuupuan. Hindi natin dapat isiping ang mga naatasang maglinis ay naroroon upang pulutin iyon pag-alis natin.
PAGGAMIT NG MARAMI SA IISANG BULWAGAN
4 Maraming mga Kingdom Hall ang ginagamit ng mahigit sa isang kongregasyon. Ang bawa’t kongregasyon ay dapat na magkaroon ng interes sa Kingdom Hall, na kinikilalang iyon ay kay Jehova at ginagamit para sa pagsamba sa kaniya. Ang paggalang sa bulwagan ay naglalakip sa pagpapakita ng pag-ibig sa ating mga kapatid sa ibang kongregasyon na gumagamit ng bulwagan.
5 Karaniwan, ang Kingdom Hall ay nililinis minsan sa isang linggo. Kapag mahigit pa sa isang kongregasyon ang gumagamit ng bulwagan, makabubuting gawin ang kaunting paglilinis pagkatapos ng pulong habang ipinahihintulot ng panahon upang iyon ay masumpungang presentable ng susunod na kongregasyong gagamit ng bulwagan. Ito ay kapit din kung Linggo kapag ang isang kongregasyon ay sinusundan kaagad ng iba; kung hindi gagawin ito ang bulwagan ay nagiging marumi sa katapusan ng maghapon.
6 Kung papaanong tayo ay “nabubuklod sa iisang kaisipan” sa espirituwal na mga bagay, tayo nawa ay magkaisa sa pagpapakita ng paggalang sa ating mga Kingdom Hall.—1 Cor. 1:10.
-