Awit 157
Sambahin si Jehova sa Panahon ng Kabataan
1. Buhat sa bibig ng mga sanggol,
Ang papuri sa Diyos iniukol.
Kahit sanggol nagbubunyi sa Diyos,
Tulad magulang pagsamba’y puspos.
2. Mga magulang, Kristiyanong tapat,
Takot sa Diyos sa bata’y imulat.
Galing sa Diyos inyong karapatan,
Dapat igalang ng kabataan.
3. Kabataan, linisin ang daan;
Si Jehova ay pagtiwalaan.
Ang maging tanyag dapat iwasan,
Masamang kasama’y kasiraan.
4. Alalahanin ang iyong Maylalang,
At si Jehova ay paglingkuran.
Pagtanda mo kagalaka’y lubos,
Pinalugod mo ang puso ng Diyos.