Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/91 p. 1
  • Inirerekumenda ang Salita ng Diyos

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Inirerekumenda ang Salita ng Diyos
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Kaparehong Materyal
  • Ang Kahalagahan ng Bibliya sa Daigdig Ngayon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1993
  • Kung Paano Gagamitin ang Magandang Balita Mula sa Diyos!
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Ipahayag ang Mabuting Balita ng Kaharian Taglay ang mga Brosyur
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Ginagamit Mo ba ang mga Brosyur na Ito?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
km 11/91 p. 1

Inirerekumenda ang Salita ng Diyos

1 Marami sa ngayon ang may palagay na ang Bibliya ay makaluma at di makatotohanan. Subalit ang Salita ng Diyos ay may kapangyarihan na baguhin ang buhay ng mga tao. (Heb. 4:12) Ito’y namamalas sa kaisipan at paggawi ng iba’t ibang uri ng mga tao. (Efe. 4:24) Ang pagkakapit ng payo ng Bibliya ay tumutulong sa ikaliligaya ng mga sambahayan. Pinabubuti nito ang pakikipagkapuwa-tao, anuman ang lahi, kulay, o kalagayan sa lipunan.—Luc. 10:29-37.

2 Ang personal na karanasan natin sa Salita ng Diyos ang dapat na mag-udyok sa atin na pasiglahin ang iba na magsuri upang alamin ang tunay na kahalagahan ng Bibliya. Isang mahusay na pantulong dito ay ang ating Paksang Mapag-uusapan, “Bakit Babasahin ang Bibliya?” Papaano natin magagamit ang paksang ito sa pag-aalok ng New World Translation at ang aklat na Salita ng Diyos sa Nobyembre?

3 Paggamit ng Paksang Mapag-uusapan: Pagkaraan ng maikling pambungad, maaari nating sabihin: “Dahil sa napakaraming problemang napapaharap sa mga pamilya ngayon, dumadalaw kami upang itawag-pansin ang tanging tunay na pagkukunan ng praktikal na tulong. Dati ay ginagamit ng mga tao ang Bibliya bilang patnubay, ngunit ngayon ay bihira nang ginagawa ito, hindi ba? Sa palagay ba ninyo makakatulong kaya ang Bibliya upang lutasin ang mga problema ngayon, tulad ng paggamit ng droga, pagkadelinkuwente ng mga kabataan, at mga wasak na tahanan? [Hayaang magkomento.] Pansinin ang sinasabi ng Bibliya sa 2 Timoteo 3:16. [Basahin.] Sa palagay kaya ninyo puwede bang magkaroon ng gayong kahusay na impluwensiya ang Bibliya? [Hayaang magkomento.] Hinahanap ng karamihan ng mga tao ang isang patnubay kapag napapaharap sa mga problema o gumagawa ng mga disisyon sa buhay, hindi ba? Kung tayo’y papatnubayan ng Salita ng Diyos, tingnan ninyo kung ano ang magiging resulta. [Basahin ang Juan 17:3.] Ang Bibliya ay nagbibigay ng malinaw na patnubay sa paglutas ng personal na mga problema at nag-aalok pa rin ng tiyak na pag-asa para sa hinaharap.” Pagkatapos ay maaari nating ipakita ang kahalagahan ng New World Translation o ang aklat na Salita ng Diyos.

4 Kapag inaalok ang New World Translation, maaari ninyong banggitin ang ilan sa mga katangian nito, tulad ng modernong Ingles at ang pagsasauli sa banal na pangalan. Maaari din ninyong gamitin ang isa o dalawang punto mula sa mga pahina 254-7 (pahina 276-80 sa Ingles) ng aklat na Nangangatuwiran. Mag-alok ng personal na pantahanang pag-aaral sa Bibliya sa kaninumang nagpapakita ng interes.

5 Pagka itinatampok ang aklat na Salita ng Diyos, baka gusto ninyong itawag-pansin ang Kabanata 13 sa “Ang Salita ng Diyos ay Buháy,” na nagpapakita kung papaano ang buhay ng iba ay binago dahil sa pagkakapit ng mga simulain ng Bibliya. Maaari ninyong basahin ang bahagi ng parapo 1 ng kabanatang iyan upang pukawin ang interes ng tao.

6 Sa Nobyembre, maging alisto sa mga pagkakataon na himukin ang mga tao na basahin ang Bibliya. Huwag ipagpaliban ang pagdalaw-muli sa mga nagpapakita ng interes. Tulungan silang magpahalaga sa kapangyarihan ng Salita ng Diyos. Sa pamamagitan ng pagkakapit ng mga simulain nito sa kanilang buhay, magtatamo sila ng walang-hanggang mga kapakinabangan kapuwa ngayon at sa buhay na darating.—1 Tim. 4:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share