-
Napapanahong Kingdom News na Ipamamahagi sa Buong DaigdigMinisteryo sa Kaharian—1995 | Marso
-
-
Napapanahong Kingdom News na Ipamamahagi sa Buong Daigdig
1 Sa Linggo, Abril 23, isang pantanging pahayag pangmadla ang ipahahayag hinggil sa isang pumupukaw na paksang “Malapit Na ang Wakas ng Huwad na Relihiyon.” Sa pagtatapos ng pulong sa araw na iyon, isang apat-na-pahinang Kingdom News ang ilalabas. Ang napapanahong mensahe nito ay ipamamahagi sa buong daigdig sa loob ng tatlong linggo mula sa Abril 24 hanggang Mayo 14.
2 Sa lahat ng panig ng daigdig, ang mga tao ay nalilito at sinasalot ng mga suliranin. Ang Kingdom News ay tiyak na magbibigay ng interes sa mga nababahala sa kung ano ang nagaganap, at sila’y aakayin nito sa Salita ng Diyos bilang bukal ng di nagkakamaling patnubay sa tao. (Awit 119:105) Tayong lahat ay nananabik na tumanggap ng kopya ng Kingdom News kapag ito’y inilabas sa Abril 23. Samantala, malaki ang kailangang gawing paghahanda para sa puspusang kampanyang ito sa loob ng tatlong linggo.
3 Pasiglahin ang Lahat na Magkaroon ng Masigasig na Pakikibahagi: Sino ang maaaring bumahagi sa gawain? Tiyak na ang bawat mamamahayag ay may pananabik na gagawa nito! Kumusta naman ang mga estudyante sa Bibliya na palagiang dumadalo sa mga pulong ng kongregasyon? Ang ilan ay matagal na ring sumasama sa atin at gumagawa ng patuloy na pagsulong. Kung kanilang naiayon na ang kanilang buhay sa mga simulain ng Kasulatan, sila ba’y kuwalipikadong ibilang na mga tagapaghayag ng Kaharian? Ang mamamahayag na nagdaraos ng pag-aaral sa Bibliya ay maaaring tumalakay ng bagay na ito sa estudyante, at kung nais niyang makibahagi sa paglilingkod sa larangan, rerepasuhin ng dalawang matanda sa kaniya ang materyal sa mga pahina 98 at 99 ng aklat na Organisado Upang Ganapin ang Ating Ministeryo. Kailangang karaka-rakang gawin ito hangga’t maaari upang yaong mga kuwalipikado bilang di bautisadong mga mamamahayag ay magkaroon ng lubos na bahagi sa kampanya. Ang mga estudyante sa Bibliya na hindi pa kuwalipikado bilang di bautisadong mga mamamahayag ay maaari ring pasiglahing ibahagi ang tract sa mga kakilala o sa mga miyembro ng pamilya.—Tingnan din Ang Bantayan, Nobyembre 15, 1988, pahina 17, parapo 8.
4 Ang gawaing ito ay hindi mahirap; bawat isa ay maaaring magkaroon ng bahagi. Sa kanilang lingguhang pag-aaral ng pamilya, maaaring ilakip ng mga magulang ang sesyon ng pag-eensayo sa tract upang ang lahat ng miyembro ng pamilya ay maging handang iharap ang Kingdom News sa bahay-bahay. Isang payak na presentasyon ang kadalasa’y pinakamabuti. Matapos ang maikling pambungad, ialok ang Kingdom News sa maybahay, at pasiglahin siyang basahin ito. Kapag nagpamalas ang mga maybahay ng interes, itala ito upang makabalik kayo at malinang ang interes. (1 Cor. 3:6, 7) Ang susi ng tagumpay ay ang pagkakaroon ng payak, mabuti ang pagkakahandang presentasyon.
5 ‘Marami ang magagawa’ sa Abril at Mayo. Sa isyu ng Ating Ministeryo sa Kaharian sa susunod na buwan, higit na impormasyon ang ibibigay sa insert na pinamagatang “Maraming Ginagawa sa Gawain ng Panginoon.”—1 Cor. 15:58.
-
-
Marami ang Ibinigay—Marami ang HihinginMinisteryo sa Kaharian—1995 | Marso
-
-
Marami ang Ibinigay—Marami ang Hihingin
1 Kay laking kaluguran para sa atin na magtaglay ng katotohanan! Dahilan sa ating pag-aalay kay Jehova, ipinagkatiwala sa atin ang mabuting balita. (1 Tes. 2:4) Ito’y naglalagay sa atin ng lalong malaking pananagutan. Sinabi ni Jesus: “Bawat isa na binigyan ng marami, marami ang mahigpit na hihingin sa kaniya.”—Luc. 12:48b.
2 Gaano katotoo ang mga salitang ito! Dahilan sa pagiging pinagpala sa pagkakaroon ng kaalaman sa Salita ng Diyos, ng isang kamangha-manghang pagkakapatiran, at ng isang kamangha-manghang pag-asa, walang alinlangan na malaki ang ibinigay sa atin. Makatuwiran kung gayon na malaki ang inaasahan bilang kapalit nito.
3 Panatilihin ang Wastong Pangmalas sa mga Kahilingan: Ipinagpalagay ng ilan na masyadong malaki ang inaasahan sa atin. Bilang Ulo ng Kristiyanong kongregasyon, si Jesu-Kristo ang nagsasabi kung “ano ang kailangan” upang gumana ito nang wasto. (Efe. 4:15, 16) Tinitiyak niya sa atin na ang ‘kaniyang pamatok ay may kabaitan at ang kaniyang pasan ay magaan.’ (Mat. 11:28-30) Siya’y gumagawa ng maibiging konsiderasyon para doon sa nagtataglay ng mga limitasyon. (Luc. 21:1-4) Kung ating ibinibigay ang buong makakaya natin, gaano man iyon, tayo’y pagpapalain.—Col. 3:23, 24.
4 Tanungin ang inyong sarili, ‘Ang mga kapakanan ba ng Kaharian ang nauuna sa aking buhay? Ginagamit ko ba ang aking panahon at tinatangkilik upang purihin ang pangalan ng Diyos at makinabang ang iba? Natatamo ko ba ang pinakamalaking kasiyahan sa paglilingkod kay Jehova sa halip na kasiyahan sa materyal na mga bagay?’ Ang ating tapat na kasagutan sa mga katanungang ito ay maghahayag sa mga motibong nasa loob ng ating mga puso.—Luc. 6:45.
5 Iwasang Matukso na Gumawa ng Masama: Hindi kailanman nagkaroon ng ganitong panggigipit tungo sa pagkamalasarili, pagiging sakim, at pag-ibig sa kahalayan. Sa araw-araw tayo’y napapaharap sa mga tukso na makipagkompromiso. Upang mapagtagumpayan ang mga ito, kailangang hilingin natin kay Jehova na tulungan tayo. (Mat. 26:41) Sa pamamagitan ng kaniyang espiritu, mapalalakas niya tayo. (Isa. 40:29) Ang disiplina-sa-sarili at pagpipigil-sa-sarili ay gumaganap rin ng mahalagang papel.—1 Cor. 9:27.
6 Hindi sapat na ibigin kung ano ang mabuti, kundi kailangan ding kapootan natin ang masama. (Awit 97:10) Ang Kawikaan 6:16-19 ay nagtatala ng pitong bagay na kinapopootan ni Jehova. Maliwanag na upang maging kalugud-lugod kay Jehova, ang isa ay dapat ding mapoot sa gayong mga bagay.
7 Wastong ipanalangin ang mga kalagayan na laging magpapangyaring tayo’y magkaroon ng “maraming ginagawa sa gawain ng Panginoon.” (1 Cor. 15:58) Nasumpungan ng marami na ang isang magawaing iskedyul sa paglilingkod kay Jehova ay isang proteksiyon sapagkat ito’y nagpapahintulot ng kaunti lamang panahon para itaguyod ang walang kabuluhang mga bagay.
8 Matapos maisaalang-alang ang lahat, ang hinihiling sa atin ni Jehova ay lubhang makatuwiran. (Mik. 6:8) Kaya patuloy na “gumagawa tayo nang masikap at nagpupunyagi,” na nagtitiwalang ang ating gantimpala ay magiging makapupong higit kaysa anumang hinihiling sa atin.—1 Tim. 4:10.
-