Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/97 p. 1
  • Ating ‘Ipinangangaral ang Salita’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ating ‘Ipinangangaral ang Salita’
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • “Ipangaral ang Salita”!
    Umawit ng mga Papuri kay Jehova
  • “Ipangaral ang Salita”
    Umawit kay Jehova
  • Ipangaral Natin ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian
    Umawit ng mga Papuri kay Jehova
  • Ipangaral ang Salita
    Umawit Nang Masaya kay Jehova
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 1/97 p. 1

Ating ‘Ipinangangaral ang Salita’

1 Kagaya ng sinasabi ng Bibliya hinggil sa “mga huling araw,” karamihang tao sa ngayon ay mayroon lamang “anyo ng maka-Diyos na debosyon.” (2 Tim. 3:1, 5) Ito’y dahilan sa hindi itinataguyod ng mga pinunong relihiyoso ang Bibliya. Mas gusto nilang sipiin ang mga aral ng mga pilosopo at mga teologo o iharap ang panlipunan at pampulitikang mga isyu sa halip na ipangaral ang Salita ng Diyos. Maraming pinunong relihiyoso ang nakadarama na ang Bibliya ay makaluma, anupat mas gusto nilang itaguyod ang teoriya ng ebolusyon sa halip na ang turo ng Bibliya hinggil sa isang Maylikha. Ang karamihan sa mga klero ay hindi man lamang gumagamit sa personal na pangalan ng Diyos, at hindi sila tumututol sa pag-aalis nito mula sa karamihan ng makabagong mga salin ng Bibliya.

2 Kagaya ng mga pinunong relihiyoso nang kaarawan ni Jesus, ang pangangaral ng mga klero sa ngayon ay walang kabuluhan. (Mat. 15:8, 9) Ito’y kagaya ng inihula ng propetang si Amos, na magkakaroon ng “isang kagutom, hindi sa tinapay, at kauhawan, hindi sa tubig, kundi sa pagkarinig sa mga salita ni Jehova.” (Amos 8:11) Higit sa anupamang bagay, ang mga tao ay nangangailangan ng espirituwal na pagkain sa Salita ng Diyos.

3 Paano Masasapatan ang Espirituwal na Pangangailangan ng Tao: Pinayuhan ni Pablo si Timoteo na manatili sa “banal na mga kasulatan, na makapagpaparunong sa iyo ukol sa kaligtasan,” at kaniyang tinagubilinan siya na ‘ipangaral ang salita’ sa iba. (2 Tim. 3:14, 15; 4:2) Bilang mga Saksi ni Jehova, dapat tayong manatili sa itinuturo ng Bibliya kapag tayo’y nangangaral, anupat tinutularan si Jesus, na nagsabi: “Ang aking itinuturo ay hindi sa akin, kundi sa kaniya na nagsugo sa akin.” (Juan 7:16) Nais nating malaman ng mga tao na ang Salita ng Diyos ang siyang bukal ng impormasyon na ating ibinabahagi sa kanila.—1 Cor. 2:4-7.

4 Kailangan munang marinig ng mga tao ang katotohanan mula sa Bibliya upang makapaglagak sila ng pananampalataya kay Jehova. Makatuwirang sumulat si Pablo: “Paano naman sila maglalagak ng pananampalataya sa kaniya na hindi nila napakinggan? Paano naman nila maririnig kung walang mangangaral?” (Roma 10:14) Sa pangangaral ng Salita ng Diyos, ating natutulungan ang iba na magkaroon ng pananampalataya sa pamamagitan ng tumpak na kaalaman. Ang gayong kaalaman ay bumabago ng mga buhay ukol sa ikabubuti. Ang Ingles na awtor na si Charles Dickens ay sumulat hinggil sa Bibliya: “Ito ang pinakamabuting aklat na kailanma’y umiral o iiral pa sa daigdig, dahilan sa itinuturo nito sa iyo ang pinakamabuting mga leksiyon na sa pamamagitan nito ang sinumang taong nilalang na nagsisikap na maging makatotohanan at tapat ay maaaring mapatnubayan.”

5 Kaagad na nakikilala ng mga nagugutom sa espirituwal na katotohanan na ito ay inaalalayan ng awtoridad ng Salita ng Diyos. Noong 1913, si Frederick W. Franz, bilang isang kabataang estudyante sa kolehiyo, ay binigyan ng isang bukleta na may pamagat na Nasaan ang mga Patay? Pagkatapos basahin ang sagot ng Bibliya, sinabi niya: “Ito ang katotohanan.” Patuloy nating ipangaral nang masigasig ang Salita nang sa gayo’y tamasahin ang kagalakan na marinig ang iba na magsabing: “Ito ang katotohanan.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share