Mga Pulong sa Paglilingkod sa Enero
Linggo ng Enero 6-12
10 min: Lokal na mga patalastas at Mga Patalastas mula sa Ating Ministeryo sa Kaharian.
20 min: “Kuwalipikado at Nasasangkapan Upang Magturo sa Iba.” (Parapo 1-6) Gumawa ng maikling komento sa mga parapo 1-2, at pagkatapos ay ipatanghal sa dalawang pares na mamamahayag-maybahay ang mga presentasyon sa mga parapo 3-6, na ipinakikita ng bawat pares kung paano gagawin ang unang pagdalaw at ang pagdalaw-muli.
15 min: “Talaga Bang Kailangan Mong Humingi ng Tawad?” Pahayag sa artikulo sa Setyembre 15, 1996 ng Bantayan, mga pahina 22-4.
Awit 14 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 13-19
10 min: Lokal na mga patalastas. Ulat ng kuwenta. Repasuhin din ang artikulong, “Bagong Programa ng Pantanging Araw ng Asamblea.”
17 min: “Kuwalipikado at Nasasangkapan Upang Magturo sa Iba.” (Parapo 7-9) Ipatanghal sa makaranasang mamamahayag ang mga presentasyon sa mga parapo 7-8. Bagaman ibang mga publikasyon ang inialok sa pasimula, sisikapin natin na maidaos sa bandang huli ang mga pag-aaral sa aklat na Kaalaman.
18 min: Panahon Na Upang Baguhin ang Advance Medical Directive/Release Card. Tatalakayin ng kuwalipikadong matanda ang kahalagahang mapunan ng kumpleto ang card at madala ito sa lahat ng panahon. Ang dokumentong ito ang magsasalita para sa inyo kung hindi kayo makapagsalita sa isang di-inaasahang pangyayari. (Ihambing ang Kawikaan 22:3.) Isang bagong card ang kailangang punan sa bawat taon upang maibigay ang napapanahong deklarasyon hinggil sa pagtanggi sa dugo. Pagkatapos ng pulong, ang lahat ng bautisadong mamamahayag ay bibigyan ng Advance Medical Directive/Release card, at yaong mga may di-bautisadong menor-de-edad na mga anak ay tatanggap ng Identity Card para sa bawat bata. Ipaliwanag na ang mga card na ito ay hindi pupunan sa pulong. Ang mga ito ay dapat punan sa bahay subalit HINDI pipirmahan. Ang pagpirma at pagsaksi, at pagpepetsa ay gagawin sa susunod na Pag-aaral ng Kongregasyon sa Aklat, sa ilalim ng pangangasiwa ng konduktor ng pag-aaral. Susuriin niya upang matiyak na ang lahat ng inatasan sa kaniyang grupo ay makatatanggap ng card. Dapat makita nang aktuwal ng mga pumipirma bilang mga saksi na pinipirmahan ng may-ari ng card ang dokumento.
Awit 15 at pansarang panalangin.
Linggo ng Enero 20-26
10 min: Lokal na mga patalastas.
15 min: “Lahat ng Uri ng mga Tao ay Maliligtas.” Tanong-sagot.
20 min: “ ‘Naglalaan Para sa Sambahayan ng Isa.’ ” Pahayag salig sa artikulo ng Oktubre 1, 1996 ng Bantayan, mga pahina 29-31.
Awit 23 at pansarang panalangin.
Linggo ng Ene. 27–Peb. 2
15 min: Lokal na mga patalastas. Repasuhin ang “Tanong.”
15 min: “Ating ‘Ipinangangaral ang Salita.’ ” Tanong-sagot.
15 min: Repasuhin ang Alok na Literatura sa Pebrero. Ipakita ang kapana-panabik na mga bahagi ng aklat na Creation, gaya ng: (1) Nakatatawag-pansing pamagat ng mga kabanata, (2) makulay na mga ilustrasyon, (3) mga kahon sa pagtuturo at mga tsart, at (4) pumupukaw na nakalimbag na mga tanong. Kasuwato ng sinundang bahagi sa pulong, himukin ang paggamit ng isang piniling kasulatan sa presentasyon. Ipatanghal ang isa o dalawang maikling presentasyon.
Awit 26 at pansarang panalangin.