Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/97 p. 1
  • Lahat ng Uri ng mga Tao ay Maliligtas

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Lahat ng Uri ng mga Tao ay Maliligtas
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
  • Kaparehong Materyal
  • ‘Ang Nakakasumpong ng Karunungan ay Nakakasumpong ng Buhay’
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • Ginanti ang Paghahanap ng Katotohanan
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1985
  • Desididong Mamuhay Ayon sa Pamantayang-Asal ni Jehova
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1986
  • “Maligaya ang Tao na Nakasumpong ng Karunungan”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—1997
km 1/97 p. 1

Lahat ng Uri ng mga Tao ay Maliligtas

1 Kalooban ni Jehova “na ang lahat ng uri ng mga tao ay maligtas at sumapit sa tumpak na kaalaman sa katotohanan.” (1 Tim. 2:4) Bagaman ang mga tao ay naiimpluwensiyahan sa paano’t paano man ng kanilang minanang katangian at kapaligiran, sila’y nagtataglay ng malayang kalooban at maaaring pumili bilang indibiduwal kung paano nila gagamitin ang kanilang buhay. (Mat. 7:13, 14) Paano ito nakaaapekto sa ating pangmalas sa mga tao na ating pinangangaralan?

2 Hindi natin dapat ipagpalagay na ang interes ng isang tao sa katotohanan ay nadidiktahan ng kaniyang pinagmulang bansa o kultura o katayuan sa lipunan. Ang katotohanan ay maaaring makaakit alinman sa may limitado o mataas na pinag-aralan, sa mga nasa pulitika, at sa mga propesyonal, sa mga ateista, at maging sa kilalang mga manggagawa ng kasamaan. Ang mga tao anuman ang pinagmulan at sosyal na kalagayan ay nagbago sa kanilang dating landas ng paggawi at ngayo’y umaasang mabuhay sa bagong sanlibutan ng Diyos. (Kaw. 11:19) Kaya, hindi tayo dapat mag-atubili na lumapit sa mga tao anuman ang kalagayan sa buhay taglay ang mensahe ng Kaharian.

3 Isaalang-alang ang mga Halimbawang Ito: Isang lalaki ang nagplanong patayin ang kaniyang amain subalit hindi itinuloy iyon. Pagkatapos ay nagpasiyang magpatiwakal subalit hindi naisagawa iyon. Matapos siyang mabilanggo dahilan sa pagnanakaw at pagbebenta ng droga, nabigo ang kaniyang pag-aasawa. Sa ngayon ang taong ito ay nagtatamasa ng isang maligayang pag-aasawa at isang mainam na kaugnayan sa kaniyang amain. Bakit nagkagayon? Siya’y nag-aral ng Bibliya sa mga Saksi ni Jehova at ikinapit ang kaniyang natutuhan. Hindi siya itinuring ni Jehova na wala nang pag-asang matutubos pa.

4 Ang katanyagan ng isang babae bilang artista sa TV ay hindi nagdulot sa kaniya ng kaligayahan. Subalit, dahilan sa paghanga sa mainam na paggawi ng mga Saksi, tinanggap niya ang isang pag-aaral sa Bibliya, at di natagalan siya’y nangangaral na sa iba. Saanman siya pumunta sa ministeryo sa bahay-bahay siya’y namumukhaan, subalit ipinaliwanag niya na nais niyang makilala siya bilang isa sa mga Saksi ni Jehova sa halip na bilang isang artista.

5 Nang pasimulan ng isang Saksi ang isang pag-aaral sa Bibliya sa isang suskritor ng Bantayan, narinig ito ng isang kapitbahay anupat siya’y dumalo sa pag-aaral. Karaka-rakang nakilala ng kapitbahay ang katotohanan na kaniyang hinahanap! Kinansela niya at ng kaniyang asawa ang diborsiyo na ipinagkaloob sa kanila ng batas at muling nagkasundo bilang mag-asawa. Siya’y nasangkot sa astrolohiya at konektado sa isang kulto ng espiritista, subalit kaagad niyang itinapon ang mamahaling mga aklat at lahat ng iba pang taglay niya na may kaugnayan sa demonismo. Di natagalan at siya’y nagpasimulang dumalo sa mga pulong at nakipag-usap sa mga kamag-anak at mga kaibigan hinggil sa kaniyang bagong nasumpungang pananampalataya. Siya ngayo’y masiglang nagpapatotoo sa iba.

6 Hindi natin dapat hatulan kaagad ang sinuman. Sa halip, ibahagi natin ang mabuting balita sa mga tao saanman. Makapagtitiwala tayo na si Jehova, na “tumitingin sa puso,” ay magiging “Tagapagligtas ng lahat ng uri ng mga tao.”—1 Sam. 16:7; 1 Tim. 4:10.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share