-
Ipinabilanggo ng Hukuman sa Turkey ang mga Saksi ni JehovaAng Bantayan—1985 | Oktubre 1
-
-
“eksperto” na susuri sa publikasyon at mga paniwala ng mga Saksi ni Jehova. Ang isa ay kagawad ng Directorate of Religious Affairs. Ang pangalawa ay isang assistant propesor ng pakultad Islamiko. Ang ikatlo ay isang assistant propesor ng legal na pakultad ng Unibersidad ng Ankara.
Ang abugadong tagapagtanggol ay tumutol sa paghirang ng dalawa sa relihiyosong “eksperto.” Ang mga ito ay nagpahayag na ng kanilang opinyong laban sa mga Saksi ni Jehova sa isang aklat. Kung gayon, hindi maaasahan na sila’y magbibigay ng walang kinikilingang opinyon sa hukuman. Gayumpaman, tinanggihan ng hukuman ang kahilingan ng tagapagtanggol at pinayagan na ang may kinikilingang mga taong relihiyosong ito ay sumali.
Nang ang tatlong ito ay magbigay ng kanilang report, iyon ay gaya nga ng inaasahan. Ang relihiyosong mga tagasuri ay nag-ulat na ang mga Saksi ni Jehova ay nagkasala. Subalit, ang eksperto sa batas ay walang nasumpungang anumang pagkakasala sa kanila. Sinabi niya: “Kanilang inaasahan ang darating na pagbabago sa daigdig na gagawin ng Diyos pagkatapos ng digmaan ng Armagedon,” at hindi sa pamamagitan ng anumang gawa ng tao.
Ang mga relihiyonista ay nag-angkin na ang mga Saksi ni Jehova’y hindi isang relihiyon. Malinaw na isa pang paratang iyan na walang katotohanan. Sinabi rin nila na ang paniwala ng mga Saksi ni Jehova sa Diyos at kay Jesu-Kristo ay “nagsisilbing isa lamang talukbong na relihiyoso upang maikubli ang tunay na layunin.” At ano ang ipinagpapalagay na tunay na layunin na iyon? Ang sabi ng relihiyosong mga tagapagpayo: “Sa kunwaring Kaharian ng Diyos sila’y naglalatag ng isang pundasyon para sa mga kaayusang pulitikal sa di pa alam na hinaharap.” Sila’y sumipi ng walang kaugnayang mga pangungusap buhat sa mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova, at sila’y nanghinuha na ang mga ito ay ‘isang lihim na organisasyon sa ilalim ng impluwensiya ng Zionismo na ang mga relihiyosong pagtitipon ay ginagamit na isang talukbong.’
Datapuwat, ang dalawang relihiyosong taong ito ay hindi nakapagpakita ng kahit isang ebidensiya na ang mga Saksi ni Jehova ay nagsisikap na ibuwal ang estado ng Turkey. Hindi sila makapagpakita ng gayong ebidensiya sapagkat ang mga Saksi ay hindi naman nagsisikap na ibuwal ang umiiral na mga gobyerno. Ang Diyos mismo ang hihingi ng sulit sa mga gobyerno. Siya ang Hukom, hindi ang sinumang tao. At sinuman na nakakakilala sa mga Saksi ay nakababatid na sila’y walang anumang kaugnayan sa Zionismo.
Nagharap ng Ebidensiya ang Tagapagtanggol
Sa kabilang dako, ang depensa o tagapagtanggol ay nagbigay ng maraming ebidensiya na ang mga Saksi ni Jehova ay walang kasalanan at hindi lumalabag ng anumang batas. Bukod sa disisyon ng Korte Suprema ng Pag-apela noong Marso 24, 1980, ang depensa ay nagharap ng tatlong iba pang mga disisyon ng Korte Suprema. Ang mga ito ay dati nang naggawad ng hatol na nagpapawalang-saysay sa ganoon ding mga paratang laban sa mga Saksi ni Jehova.
Ang depensa ay nagharap din ng pangalawang opinyon buhat sa isa pang propesor ng batas na sumuri sa mga publikasyon ng mga Saksi ni Jehova. Hindi siya nakasumpong ng anumang paglabag sa batas sa mga iyon.
Ang hukuman ay binigyang-alam din tungkol sa mga 20 pang mga hatol ng hukuman na iginawad nang nakalipas na 30 taon sa Turkey. Lahat ng mga hukumang iyon ay nagpawalang-saysay sa ganoon ding mga paratang sa mga Saksi.
At sa kahuli-hulihan, kahit na ang opisyal ng pulisya na inatasang kumontrol sa mga pulong ng mga Saksi ay nagpatotoo sa harap ng hukuman. Kaniyang sinabi na “hindi siya nakapansin ng anumang paglabag sa batas noong buong santaon” na iyon na kaniyang kinontrol ang mga pulong.
Tinanggihan ng Hukuman ang Ebidensiya
Gayumpaman, tinanggihan ng hukuman ang lahat ng ebidensiya ng tagapagtanggol! Wala siyang tinanggap kundi iyong mapanira at lubusang walang batayan na mga kasulatan na iniharap ng tagausig. Ito yaong mga pangungusap buhat sa Directorate of Religious Affairs pati na ang report buhat sa dalawang komentaristang relihiyoso na may maling patotoo.
Ang mga sentensiyang iyon ay nagbangon ng malubhang mga pag-aalinlangan. Ang mga hukom ba ng korte ay mayroon ding pagtatangi dahilan sa kanilang relihiyong Muslim? Ang hukuman ba ay ginipit ng mga relihiyoso upang sentensiyahan ang mga Saksi ni Jehova?
Kung sa bagay, ang disisyon ay inaapela. Kaya’t ang Korte Suprema ay magkakaroon ng pagkakataon na repasuhin ang kasong iyon. Inaasahan na ang korteng ito ay maggagawad ng hatol na lubusang kasuwato ng mga ebidensiya. Nakalulungkot, hanggang sa panahon na iyon ang 23 mga Saksi—15 lalaki at 8 babae—ay nakakulong pa.
Oo, ang mga taong makatarungan at maibigin sa kalayaan sa buong daigdig ay nagtatanong: Papaano nga mangyayari ang gayong bagay sa isang bansa na nag-aangkin na demokratiko? Paanong ang mga hukuman sa Turkey ay nakagagawa ng gayong bagay gayong ang gobyerno ng Turkey ay lumagda rin naman sa Declaration of Human Rights, na gumagarantiya ng kalayaan ng relihiyon?
Kung kayo’y namumuhi dahilan sa ang gayong mga taong mapayapa at wala namang kasalanan ay sinentensiyahan nang walang katarungan na sila’y mabilanggo, may pagkakataon kayo na ipahayag ang inyong opinyon. Maaari kayong sumulat sa kaninuman o sa lahat ng mga opisyales na nasa ibaba ang pangalan at ipabatid ninyo sa kanila kung ano ang inyong damdamin tungkol sa bagay na ito:
President of the Republic:
His Excellency Kenan EVREN, Bakanliklar, Ankara, Turkey.
Prime Minister:
Mr. Turgut ÖZAL, Bakanliklar, Ankara, Turkey
Minister of Interior:
Mr. Yildirim AKBULUT, Bakanliklar, Ankara, Turkey
Minister of Justice:
Mr. M. Necat ELDEM, Bakanliklar, Ankara, Turkey
Gayundin, maaari kayong sumulat sa Turkish Ambassador sa lugar ninyo.
-
-
Pang-araw-araw na Teksto Para sa OktubreAng Bantayan—1985 | Oktubre 1
-
-
Pang-araw-araw na Teksto Para sa Oktubre
1 Sa lahat ng bagay sa pamamagitan ng panalangin at pagsusumamo na may kasamang pasasalamat ay ipabatid ninyo sa Diyos ang inyong kahilingan.—Fil. 4:6. b 6/15/85 19, 20
2 Patuloy na paalalahanan sila . . . na humanda sa bawat gawang mabuti, na huwag magsalita nang masama tungkol sa kaninuman, na huwag maging palaaway kundi maging makatuwiran, at magpakahinahon sa pakikitungo sa lahat ng tao.—Tito 3:1, 2. b 5/15/85 11, 12a
3 Pinili ng Diyos . . . ang mga bagay na walang halaga, upang kaniyang mapawalang-halaga ang mga bagay na mahalaga, upang walang laman na magmapuri sa harapan ng Diyos.—1 Cor. 1:28, 29. b 2/15/85 10-13a
4 Ananias, bakit pinuspos ni Satanas ang iyong puso upang magsinungaling sa banal na espiritu at upang maglihim ng isang bahagi ng halaga ng lupa?—Gawa 5:3. b 4/15/85 16, 17
5 Kanilang titipunin ang kaniyang mga pinili . . . mula sa isang dulo ng langit hanggang sa kabila.—Mat. 24:31. b 8/1/84 3, 4a
6 Sikapin nating mapukaw ang damdamin ng bawat isa sa pag-ibig at mabubuting gawa, na huwag nating kaligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon.—Heb. 10:24, 25. b 5/1/85 6, 7a
7 Sinabi sa kaniya ni Jesus: “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang sinuman na mabuti, maliban sa isa, ang Diyos.”—Mar. 10:18. b 7/15/84 8a
8 Sapagkat ang pangitain ay sa itinakdang panahon pa, at nagmamadali sa pagkatapos, hindi magbubulaan. Bagaman nagluluwat ay patuloy na hintayin mo; sapagkat walang pagsalang darating. Hindi magtatagal.—Hab. 2:3. b 9/1/84 12, 13
9 Maraming bayan ang . . . magsasabi: “Halikayo, kayong mga tao, at umahon tayo sa bundok ni Jehova sa bahay ng Diyos ni Jacob; at tayo’y kaniyang tuturuan sa kaniyang mga daan, at tayo’y lalakad sa kaniyang mga landas.” Sapagkat mula sa Sion lalabas ang batas at ang salita ni Jehova ay mula sa Jerusalem.—Isa. 2:3. b 9/15/84 22
10 Ang salita mo ay katotohanan.—Juan 17:17. b 10/1/84 17
11 Sa mga huling araw . . . ang mga tao ay magiging . . . maibigin sa kalayawan kaysa sa maibigin sa Diyos.—2 Tim. 3:1, 2, 4. b 10/15/84 17-19a
12 Kami ay sasama sa inyo na mga tao, sapagkat narinig namin na ang Diyos ay kasama ninyo na mga tao.—Zac. 8:23. b 11/1/84 8, 12a
13 Sa lahat ng bagay ay may lakas ako dahil sa kaniya na nagpapalakas sa akin.—Fil. 4:13. b 11/15/84 1-3
14 Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo’y mapaharap sa sarisaring pagsubok, yamang nalalaman ninyo na ang subók na uring ito ng inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.—Sant. 1:2, 3. b 12/1/84 23, 24
15 Aking tinupad ang iyong mga tuntunin at ang iyong mga paalaala, sapagkat lahat ng aking lakad ay nasa harap mo.—Awit 119:168. b 12/15/84 1, 2a
-