Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w99 5/1 p. 25
  • Magbasa na Kasama ng Iyong mga Anak

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Magbasa na Kasama ng Iyong mga Anak
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1999
w99 5/1 p. 25

Magbasa na Kasama ng Iyong mga Anak

Ayon sa magasing Veja sa Brazil, ang mga anak ng mahihilig bumasa ay mas malamang na maging mahilig sa mga aklat kaysa sa mga anak na walang gayong halimbawa sa pagbabasa sa tahanan. “Ang magkasamang pagbabasa ay lalong nagbubuklod sa matalik na ugnayan ng mga magulang at mga anak at nagbibigay-daan sa higit na pakikinabang ng bata sa nilalaman ng aklat,” ang sabi ni Martha Hoppe, isang espesyalista sa paglaki ng bata.

Ang pagbabasa nang malakas sa iyong mga anak ay magbibigay rin ng pagkakataon sa iyo na masagot ang mga katanungan. Maaari mong ipaliwanag ang anumang larawan na kalakip ng teksto. “Kapag nauunawaan ng isang bata ang nilalaman ng mga aklat,” ang sabi ni Hoppe, “lalo siyang napasisiglang basahin ang mga ito kapag may gusto siyang malaman.”

Maraming magulang na mga Saksi ni Jehova ang nasisiyahang magbasa na kasama ng kanilang mga anak. Maaari nilang basahin ang mga publikasyon na gaya ng Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya, Pakikinig sa Dakilang Guro, at Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman.a Ang mga aklat na gaya nito ay hindi lamang tumutulong sa mga bata na maging mahuhusay na mambabasa kundi pinalalawak din nito ang kanilang interes sa pinakamabiling aklat sa daigdig​—ang Banal na Bibliya. Kaya, kung isa kang magulang, magbigay ng halimbawa sa iyong mga anak sa pamamagitan ng pagiging isang masugid na mambabasa ng Salita ng Diyos. (Josue 1:7, 8) At siyempre pa, gumugol ng panahon na magbasang kasama nila!

[Talababa]

a Inilathala ng Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share