Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/03 p. 8
  • Ano ang Pangunahin sa Iyo?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ang Pangunahin sa Iyo?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • Kaparehong Materyal
  • Lubusan Mo Bang Ginagampanan ang Iyong Ministeryo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • Ang Ministeryong Kristiyano—Ang Ating Pangunahing Gawain
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
  • “Patuloy Mong Ingatan ang Ministeryo na Tinanggap Mo sa Panginoon”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
  • “Humayo Kayo at Gumawa ng mga Alagad sa mga Tao ng Lahat ng mga Bansa”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2016
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2003
km 2/03 p. 8

Ano ang Pangunahin sa Iyo?

1 Maraming relihiyosong organisasyon ang nagtutuon ng pansin sa mga pagkakawanggawa, gaya ng paglalaan ng mga pasilidad para sa sekular na edukasyon o ng medikal na mga pangangailangan. Gayunman, pangunahin sa mga Saksi ni Jehova ang pagtulong sa mga tao sa espirituwal na paraan, bagaman hindi nila kinalilimutan “ang paggawa ng mabuti at ang pagbabahagi ng mga bagay-bagay sa iba.”​—Heb. 13:16.

2 Ang Unang-Siglong Parisan: Nagsagawa si Jesus ng maraming mabubuting gawa noong panahon ng kaniyang ministeryo sa lupa, ngunit ang kaniyang pangunahing gawain ay ang magpatotoo sa katotohanan. (Luc. 4:43; Juan 18:37; Gawa 10:38) Inutusan niya ang kaniyang mga tagasunod na ‘humayo at gumawa ng mga alagad sa mga tao ng lahat ng mga bansa, . . . na tinuturuan sila.’ (Mat. 28:​19, 20) At binanggit niya na isasagawa ng mga nananampalataya sa kaniya sa mas malawak na paraan ang gawaing pinasimulan niya. (Juan 14:12) Pangunahin kay Jesus ang gawaing pangangaral sapagkat tumutulong ito sa mga tao na malaman ang daan ng kaligtasan.​—Juan 17:3.

3 Itinuring ni apostol Pablo ang kaniyang gawaing pangangaral bilang isang “pangangailangan,” isang kahilingan na hindi niya maaaring ipagwalang-bahala. (1 Cor. 9:​16, 17) Handa siyang gumawa ng anumang pagsasakripisyo, magbata ng anumang pagsubok, o dumanas ng anumang kagipitan na kailangan upang maisakatuparan ang kaniyang ministeryo. (Gawa 20:22-24) Ganito ring espiritu ang ipinakita ni apostol Pedro at ng kaniyang mga kasama. Maging sa harap ng pagkabilanggo at mga pambubugbog, “nagpatuloy sila nang walang humpay sa pagtuturo at pagpapahayag ng mabuting balita tungkol sa Kristo, si Jesus.”​—Gawa 5:40-42.

4 Kumusta naman tayo? Pangunahin ba sa atin ang gawaing paghahayag ng mabuting balita ng Kaharian at paggawa ng mga alagad? Tulad ni Jesus, tayo ba ay talagang nababahala sa mga “nabalatan at naipagtabuyan kung saan-saan tulad ng mga tupang walang pastol”? (Mateo 9:36) Ang kasalukuyang mga pangyayari sa daigdig at ang hula sa Bibliya ay maliwanag na nagpapatotoo na papaubos na ang panahon para sa balakyot na sistemang ito! Ang pagtutuon ng pansin sa kahalagahan ng gawaing pangangaral ay magpapakilos sa atin na ipagpatuloy ang pangangaral nang buong sigasig.

5 Suriin ang Iyong mga Kalagayan: Yamang madalas magbago ang personal na mga kalagayan, makabubuting pag-isipan sa pana-panahon kung maaari tayong gumawa ng mga pagbabago upang higit tayong makabahagi sa gawaing pangangaral. Isang kapatid na babae ang naging regular pioneer noong mga dekada ng 1950, 1960, at 1970 ngunit nakita niyang kailangan na niyang huminto dahil sa mahinang kalusugan. Gayunman, nang maglaon ay bumuti ang kaniyang kalusugan. Muli niyang sinuri ang kaniyang mga kalagayan kamakailan at nagpasiya na maaari na siyang magpayunir muli. Tuwang-tuwa siyang makadalo sa Pioneer Service School sa edad na 90! Kumusta ka naman? Malapit ka na bang magretiro o magtapos sa pag-aaral? Maaari ka na kayang magpayunir dahil sa iyong nagbagong mga kalagayan?

6 Nang mapansin ni Jesus na si Marta ay “nagagambala sa pag-aasikaso sa maraming tungkulin,” may-kabaitan niyang binanggit na magtatamo si Marta ng mas malalaking pagpapala kung pananatilihin niyang simple ang mga bagay-bagay. (Luc. 10:40-42) Mapasisimple mo ba ang iyong istilo ng pamumuhay? Talaga bang kailangan na parehong maghanapbuhay ang mag-asawa? Kung gagawa ng mga pagbabago, mabubuhay kaya ang pamilya kahit isa lamang ang naghahanapbuhay? Marami ang nakinabang sa espirituwal na paraan sa paggawa ng mga pagbabago upang magkaroon ng higit na bahagi sa ministeryo.

7 Nawa’y tularan nating lahat ang parisan na ipinakita ni Jesus at ng mga apostol! Makatitiyak tayo sa pagpapala ni Jehova sa ating taimtim na mga pagsisikap na lubusang makibahagi sa mahalagang gawain ng pangangaral ng mabuting balita ng Kaharian.​—Luc. 9:57-62.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share