Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 1/10 p. 1
  • Kuwalipikado ba Akong Mangaral?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kuwalipikado ba Akong Mangaral?
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Kaparehong Materyal
  • Sino ang Kuwalipikadong Mangaral?
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
  • Lubusang Nasasangkapan Bilang mga Guro ng Salita ng Diyos
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2002
  • Ipangaral Natin ang Mabuting Balitang Ito ng Kaharian
    Umawit ng mga Papuri kay Jehova
  • Isang Huwaran Upang Maingat na Sundan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1994
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
km 1/10 p. 1

Kuwalipikado ba Akong Mangaral?

1. Bakit hindi natin dapat isiping hindi tayo kuwalipikadong mangaral?

1 Kung iyan ang tanong mo, huwag kang mag-alala! Hindi kailangang may pinag-aralan tayo o may natatanging likas na kakayahan para maging kuwalipikadong ministro. Ang ilang alagad noon ay sinasabing “walang pinag-aralan at pangkaraniwan.” Pero mahuhusay silang tagapangaral ng mabuting balita dahil desidido silang tularan ang halimbawa ni Jesus.—Gawa 4:13; 1 Ped. 2:21.

2. Ano ang ilang katangian ng pagtuturo ni Jesus?

2 Kung Paano Nagturo si Jesus: Ang kaniyang pagtuturo ay simple, praktikal, at madaling maintindihan. Ang kaniyang mga tanong, ilustrasyon, at simpleng mga pambungad ay nakatawag-pansin sa mga tagapakinig. (Mat. 6:26) Nagpakita siya ng taimtim na pagmamalasakit sa mga tao. (Mat. 14:14) Hindi lang iyan, may katatagan at awtoridad din kung magsalita si Jesus dahil alam niyang si Jehova ang nagbigay sa kaniya ng atas at ng kapangyarihan para isagawa ito.—Luc. 4:18.

3. Paano tayo tinutulungan ni Jehova na maisagawa ang ating ministeryo?

3 Tinutulungan Tayo ni Jehova: Sa tulong ng kaniyang Salita at organisasyon, sinasanay tayo ng ating Dakilang Tagapagturo para maging matagumpay sa pangangaral ng mabuting balita. (Isa. 54:13) Dahil iningatan ni Jehova ang ulat ng paraan ng pagtuturo ni Jesus, puwede nating pag-aralan at tularan ang mga ito. Binibigyan tayo ni Jehova ng kaniyang banal na espiritu at sinasanay sa mga pulong sa kongregasyon. (Juan 14:26) Bukod diyan, naglalaan siya ng makaranasang mga mamamahayag na makakatulong sa atin na maging mas mabisa sa pangangaral.

4. Bakit talagang kuwalipikado tayong ibahagi sa iba ang mabuting balita?

4 Talagang kuwalipikado tayong mangaral dahil “ang [ating] pagiging lubusang kuwalipikado ay nanggagaling sa Diyos.” (2 Cor. 3:5) Habang umaasa tayo kay Jehova at ginagamit na mabuti ang kaniyang maibiging mga paglalaan, tayo ay magiging “lubos na may kakayahan, lubusang nasangkapan ukol sa bawat mabuting gawa.”—2 Tim. 3:17.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share