Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 2/10 p. 2
  • “Halika Maging Tagasunod Kita”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Halika Maging Tagasunod Kita”
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
  • Kaparehong Materyal
  • “Halika Maging Tagasunod Kita”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
  • “Isinugo Ako Para Dito”
    Halika Maging Tagasunod Kita
  • Lubusan Mo Bang Ginagampanan ang Iyong Ministeryo?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova (Pag-aaral)—2019
  • “Maging Tagasunod Kita”—Ano ang Ibig Sabihin ni Jesus?
    Halika Maging Tagasunod Kita
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2010
km 2/10 p. 2

“Halika Maging Tagasunod Kita”

1. Ano ang matututuhan natin sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya sa mga darating na buwan?

1 Ang ulat ng apat na Ebanghelyo sa buhay ni Jesus sa lupa ay nagtuturo ng napakaraming bagay tungkol sa Anak ng Diyos. Dahil kailangan ng mga Kristiyano na ‘maingat na sundan ang kaniyang mga yapak,’ nanaisin nating maghandang mabuti at magtuon ng pansin habang pinag-aaralan ang aklat na “Halika Maging Tagasunod Kita” sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya simula sa linggo ng Marso 1. (1 Ped. 2:21; Mar. 10:21) Nararapat na bigyan ng pantanging pansin ang mga aspekto ng buhay ni Jesus na makapagpapasigla sa atin sa ministeryo.

2. Paano tayo makikinabang sa halimbawa ni Jesus ng pagbabata?

2 Halimbawa ni Jesus: Mayroon na bang tumugon nang negatibo sa iyong pangangaral sa bahay-bahay? Kapag napapaharap sa gayong mga pagsalansang, napapatunayan nating totoo ang sinabi ni Jesus: “Kung pinag-usig nila ako, pag-uusigin din nila kayo.” (Juan 15:20) Totoo, hindi lahat ng negatibong pagtugon ay pag-uusig. Pero tandaan na sa anumang uri ng pagsubok, ang kagalakang inilagay sa harap ni Jesus ang nakatulong sa kaniya na makapagbata. Sa katulad na paraan, kung ang pagsang-ayon ni Jehova at ang gantimpala ng ating katapatan ang lagi nating iniisip, matutulungan tayo nito na ‘hindi manghimagod at manghina sa ating mga kaluluwa.’ (Heb. 12:2, 3; Kaw. 27:11) Habang tayo ay nagmamatiyaga sa ministeryo, makaaasa tayo sa suporta ni Kristo Jesus.—Mat. 28:20.

3. Paano natin matutularan ang pangmalas ni Jesus sa ministeryo?

3 “Sa Dahilang Ito Ako Isinugo”: Naging pangunahin sa buhay ni Jesus ang pangangaral ng Kaharian. (Luc. 4:43) Ibinuhos niya ang kaniyang lakas at panahon sa ministeryo. Itinuring niya itong apurahan, anupat laging naghahanap ng pagkakataon upang ipakipag-usap ang tungkol sa Kaharian. Bilang mga tagasunod ni Jesus, paano natin masusundan ang kaniyang yapak? Maibabahagi ba natin ang mabuting balita sa mga taong nakakasalamuha natin araw-araw? Sana ay mapakilos tayo ng pag-ibig sa atin ni Kristo na ipangaral ang mabuting balita sa pinakamaraming tao hangga’t maaari!—2 Cor. 5:14.

4. Paano natin mapapasulong ang kalidad ng ating ministeryo?

4 “Walang Sinumang Tao ang Nakapagsalita Nang Tulad Nito”: Lubhang namangha ang mga tagapakinig ni Jesus sa kaniyang paraan ng pagtuturo. (Juan 7:46; Mat. 7:28, 29) Paano siya naiba sa iba pang mga guro? Minahal niya ang katotohanang ibinahagi niya at ang mga taong tinuruan niya. Gumamit din siya ng iba’t ibang paraan ng pagtuturo. Kung tutularan natin ang Dakilang Guro, mapapasulong natin ang kalidad ng ating ministeryo.—Luc. 6:40.

5. Ano ang dapat na maging tunguhin natin sa pag-aaral ng “Halika Maging Tagasunod Kita”?

5 Ilan lamang ito sa mga hiyas na matatagpuan sa pag-aaral ng buhay ni Jesus. Ano pa kaya ang ibang kayamanang maaari mong matuklasan? Habang sinusuri mo ang buhay ni Jesus sa Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya, gawing tunguhin na “makilala ang pag-ibig ng Kristo” sa pamamagitan ng pagtulad sa kaniyang mga salita at gawa.—Efe. 3:19.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share