Iskedyul Para sa Linggo ng Pebrero 22
LINGGO NG PEBRERO 22
□ Pag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya:
□ Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo:
Pagbabasa ng Bibliya: Hukom 19-21
Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
□ Pulong sa Paglilingkod:
5 min: Mga Patalastas.
10 min: Alok sa Marso. Kapanayamin ang dalawang mamamahayag. Tanungin kung anong mga bahagi ng alok na literatura sa buwang ito ang kapaki-pakinabang sa ministeryo at kung anong presentasyon ang nakita nilang mabisa sa teritoryo. Hilingan ang bawat isa sa kanila na magtanghal ng isang presentasyon o magsadula ng karanasang nagpapakita kung paano magagamit ang publikasyon sa pagpapasimula ng pag-aaral sa Bibliya.
10 min: May Pangangatuwirang Paraan ng Pakikipag-usap—Humihikayat sa mga Tao na Makinig. Pahayag batay sa aklat na Paaralan Ukol sa Ministeryo, pahina 251 hanggang pahina 253, parapo 2.
10 min: Pag-akay sa mga Interesado sa Organisasyon ni Jehova. Pakikipagtalakayan sa mga tagapakinig batay sa aklat na Organisado, sa ilalim ng subtitulo sa pahina 99. Tanungin ang mga tagapakinig kung paano nila inakay ang mga interesado sa organisasyon ni Jehova. Kapanayamin ang isang mamamahayag na nakinabang sa pagsisikap ng kaniyang guro sa Bibliya na akayin siya sa katotohanan.