Repaso sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo
Ang sumusunod na mga tanong ay tatalakayin sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo sa linggo ng Pebrero 22, 2010. Magdaraos ang tagapangasiwa ng paaralan ng 20-minutong repaso salig sa materyal na tinalakay sa mga atas noong mga linggo ng Enero 4 hanggang Pebrero 22, 2010.
1. Ano ang maaaring mga dahilan kung bakit hindi agad naging pag-aari ng ilang Israelita ang Lupang Pangako? Ano ang matututuhan natin dito? (Jos. 18:2, 3) [it-1-E p. 359 par. 5]
2. Ano ang tiyak na nagpakilos kay Josue na sabihin ang nasa Josue 24:14, 15? Ano ang dapat maging epekto nito sa atin? [w08 5/15 p. 17-18 par. 4-6]
3. Paano naging silo at pain sa mga Israelita ang pagsamba kay Baal? (Huk. 2:3) [w08 2/15 p. 27 par. 2-3]
4. Ano ang matututuhan natin sa mahusay na paggamit ni Ehud ng tabak? (Huk. 3:16, 21) [w97 3/15 p. 31 par. 4]
5. Paano tayo mapatitibay ng pag-aaral sa paraan ng pagliligtas ni Jehova kay Gideon at sa kaniyang 300 lalaki? (Huk. 7:19-22) [w05 7/15 p. 16 par. 8]
6. Bakit ang kaluluwa ni Jehova ay “hindi na nakatiis dahil sa kabagabagan ng Israel”? (Huk. 10:16) [cl p. 254-255 par. 10-11]
7. Nang manata si Jepte, iniisip ba niya na maghahain siya ng tao? (Huk. 11:30, 31) [w05 1/15 p. 26 par. 1]
8. Talaga bang nasa buhok ni Samson ang kaniyang lakas? (Huk. 16:18-20) [w05 3/15 p. 28 par. 4-5]
9. Paano makatutulong sa atin ang pagkaunawa sa kamangha-manghang ginawa ni Samson na nakaulat sa Hukom 16:3? [w04 10/15 p. 15-16 par. 7-8]
10. Ano ang matututuhan natin mula sa Hukom 16:30 tungkol sa kaluluwa ng tao? [w90 9/1 p. 5 par. 4; sp p. 13-14]