Makikinabang Ka ba sa Pinasimpleng Edisyon?
Ang edisyon para sa pag-aaral ng The Watchtower ay makukuha na ngayon sa pinasimpleng Ingles na edisyon. Ito ay para sa (1) mga mamamahayag na nagsasalita ng Ingles na makikinabang sa pinasimpleng pananalita, marahil dahil sa limitadong edukasyon; (2) mga mamamahayag na hindi Ingles ang katutubong wika; (3) mga kabataan, pati na yaong nasa elementarya at high school; at (4) mga estudyante ng Bibliya na nangangailangan ng mas simple at tuwirang pananalita para maunawaan ang espirituwal na mga bagay.
Ang mga numero ng parapo, tanong, at uluhan ay katugma ng nasa regular na edisyon. Ang materyal ay parehung-pareho, ngunit mas simple nga lang ang mga salita. Bagaman gagamitin ng nangangasiwa sa Pag-aaral ng Watchtower at ng tagabasa ang regular na edisyon, malibang ang karamihan ng tagapakinig ay gumagamit ng pinasimpleng edisyon, makikita ng mga gumagamit ng pinasimpleng edisyon na pareho ang binanggit na mga teksto at ilustrasyon at masusundan nila ang pagbasa ng mga parapo at makapagkokomento sila.
Ang sinumang nag-iisip na makikinabang siya sa paggamit ng pinasimpleng edisyon ay dapat humiling ng regular na order sa lingkod sa magasin.