Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 3/12 p. 2
  • Lakas-Loob na Magpatotoo sa Lugar ng Negosyo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Lakas-Loob na Magpatotoo sa Lugar ng Negosyo
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
  • Kaparehong Materyal
  • Pasulungin ang Kakayahan sa Ministeryo—Pagpapatotoo sa Lugar ng Negosyo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Kung Paano Mangangaral sa Lugar ng Negosyo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2004
  • Paghaharap ng Mabuting Balita—Sa Pamamagitan ng May Katapangang Pagpapatotoo sa mga Dako ng Negosyo
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1989
  • Ipangaral ang Mabuting Balita Kahit Saan
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1996
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2012
km 3/12 p. 2

Lakas-Loob na Magpatotoo sa Lugar ng Negosyo

1. Bakit hindi tayo dapat masiraan ng loob kung natatakot tayong magpatotoo sa lugar ng negosyo?

1 Natatakot ka bang magpatotoo sa mga lugar ng negosyo? Kung oo, huwag kang masiraan ng loob. Si Pablo man na isang matapang at walang-takot na ministro ay ‘nag-ipon ng katapangan’ upang mangaral. (1 Tes. 2:2) Talakayin natin ang ilang karaniwang hamon at praktikal na mga mungkahi para mapagtagumpayan ito.

2. Bakit hindi tayo dapat mag-alala na baka magalit ang mga manggagawa?

2 Magagalit Kaya ang mga Manggagawa Kung Kakausapin Sila? Sa maraming lugar ng negosyo, bahagi na ng tungkulin ng mga manggagawa ang maglingkod sa mga tao. Kaya karaniwan nang magalang sila dahil itinuturing ka nila bilang potensiyal na mamimili. Kung magbibihis ka nang disente at magiging palakaibigan, igagalang ka nila.

3. Ano ang dapat nating gawin para hindi mainis ang mga mamimili?

3 Sasabihin Ko ba ang Aking Presentasyon Kahit Maraming Mámimili? Kung maaari, pumili ng panahon kung kailan hindi abala ang mga tindahan, halimbawa kung kabubukas lang nila. Bago lumapit sa manedyer o klerk, tiyaking wala siyang kausap. Gawing maikli ang iyong presentasyon.

4. Ano ang maaari nating sabihin kapag nagpapatotoo sa mga lugar ng negosyo?

4 Ano ang Sasabihin Ko? Kausapin ang nangangasiwa sa mga manggagawa. Maaari mong sabihin: “Mahirap matagpuan sa bahay ang mga taong nagtatrabaho, kaya minabuti naming dalawin kayo rito. Alam kong busy kayo, kaya sandali lang ako.” Upang hindi tayo mapagkamalang salesman, makabubuting huwag banggitin ang tungkol sa donasyon malibang magtanong sila kung paano tinutustusan ang ating gawain. Depende sa uri ng negosyo, maaari kang humingi ng pahintulot sa manedyer na makausap sandali ang mga manggagawa. Ulitin ang presentasyon mo sa kanila. Kapag abala, iklian ang iyong presentasyon at mag-iwan ng isang tract. Kung hindi puwedeng kausapin ang mga manggagawa, makabubuting mag-iwan na lang ng literatura para sa kanila.

5. Bakit hindi tayo dapat matakot na magpatotoo sa lugar ng negosyo?

5 Sina Jesus at Pablo ay lakas-loob na nangaral sa mga lugar ng negosyo, kaya magagawa mo rin iyan. (Mat. 4:18-21; 9:9; Gawa 17:17) Hilingin kay Jehova na maging kalmado ka at matapang. (Gawa 4:29) Laging maraming tao sa mga lugar ng negosyo, kaya bakit hindi subukin ang mabungang paraang ito ng pagpapatotoo?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share