Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • rs p. 347-p. 349
  • Purgatoryo

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Purgatoryo
  • Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Kaparehong Materyal
  • Binabanggit Ba sa Bibliya ang Purgatoryo?
    Sagot sa mga Tanong sa Bibliya
  • Misa
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Apostolikong Paghahalili
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
  • Kaluluwa
    Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
Iba Pa
Nangangatuwiran Mula sa Kasulatan
rs p. 347-p. 349

Purgatoryo

Kahulugan: “Ayon sa turo ng [Romano Katoliko] Iglesiya, ang kalagayan, dako, o kondisyon sa kabilang daigdig . . . na doon ang mga kaluluwa ng mga namatay sa kalagayan ng biyaya, bagaman hindi pa lubusang malaya sa di-pagkasakdal, ay nagbabayad sa mga magaan na kasalanan na hindi pa napatatawad o sa panandaliang kaparusahan dahil sa benyal o mortal na mga kasalanan na napatawad na, at sa gayo’y dinadalisay bago sila pumasok sa kalangitan.” (New Catholic Encyclopedia, 1967, Tomo XI, p. 1034) Hindi itinuturo ng Bibliya.

Ano ang saligan ng turo ng purgatoryo?

Pagkatapos repasuhin ang sinabi ng Katolikong mga manunulat tungkol sa mga teksto tulad ng 2 Macabeo 12:39-45, Mateo 12:32, at 1 Corinto 3:10-15, inaamin ng New Catholic Encyclopedia (1967, Tomo XI, p. 1034): “Matapos suriin ang lahat, ang turo ng Katoliko sa purgatoryo ay salig sa tradisyon, hindi sa Banal na Kasulatan.”

“Nanalig ang iglesiya sa tradisyon upang patunayan na may dakong umiiral sa pagitan ng langit at ng impiyerno.”​—U.S. Catholic, Marso 1981, p. 7.

Tungkol sa kalagayan sa purgatoryo, ano ang sinasabi ng mga tagapagsalita ng Katoliko?

“Marami ang nag-aakala na ang kaparusahan sa purgatoryo ay may kaugnayan lamang sa pagkadama na ang makalangit na pagpapala ay pansamantalang ipinagpaliban, bagama’t higit na tinatanggap ang pangmalas na, bukod dito, mayroon talagang nangyayaring parusa . . . Sa Iglesiya Latin ay karaniwan nang pinaniniwalaan na ang kirot na ito ay idinudulot ng literal na apoy. Gayumpaman, hindi kailangang paniwalaan ito upang maniwala sa purgatoryo. Hindi naman ito tiyak. . . . Kahit ang pasiya ng isa, tulad ng mga teologo ng Silangan, ay ang tanggihan ang ideya ng pagdurusang dulot ng apoy, dapat mag-ingat na huwag isiping walang anomang umiiral na parusa sa purgatoryo. Naroon pa rin ang tunay na pamimighati, kalumbayan, pagkasiphayo, inuusig na budhi, at iba pang espirituwal na kalungkutan na maaaring magdulot ng kirot sa kaluluwa. . . . Anoman ang paniniwala ng isa, dapat alalahanin na sa kabila ng kanilang pagdurusa, ang mga kaluluwang ito ay nagtatamasa rin ng malaking kagalakan dahil sa katiyakan ng kanilang kaligtasan.”​—New Catholic Encyclopedia (1967), Tomo XI, p. 1036, 1037.

“Kung ano ang nangyayari sa purgatoryo ay hindi mahuhulaan ng sinoman.”​—U.S. Catholic, Marso 1981, p. 9.

Ang kaluluwa ba’y nananatiling buháy pagkamatay ng katawan?

Ezek. 18:4, Dy: “Ang kaluluwa [Hebreo, neʹphesh; “tao,” JB; “isa,” NAB; “kaluluwa,” Kx] na nagkakasala, ay mamamatay.”

Sant. 5:20, JB: “Ang sinomang nagpapabalik-loob ng isang makasalanan mula sa maling lakad niya ay magliligtas ng isang kaluluwa sa kamatayan at magtatakip ng karamihang kasalanan.” (Idinagdag namin ang mga pahilis.) (Pansinin na binabanggit nito ang kamatayan ng kaluluwa.)

Para sa karagdagang detalye, tingnan ang mga paksang “Kamatayan” at “Kaluluwa.”

Mayroon pa bang inilalapat na parusa para sa kasalanan pagkamatay ng isa?

Roma 6:7, NAB: “Ang isang taong patay ay pinalaya na sa kasalanan.” (Kx: “Wala nang habol ang kasalanan sa isang taong patay.”)

Ang mga patay ba ay makapagtatamasa ng kagalakan dahil sa pagtitiwala nila sa pag-asang kaligtasan?

Ecles. 9:5, JB: “Alam ng mga buháy na sila’y mamamatay, ang mga patay ay walang nalalamang anoman.”

Isa. 38:18, JB: “Ang Sheol ay hindi pumupuri sa iyo [Yahweh], hindi ka ibinubunyi ng kamatayan; silang bumababa sa hukay ay hindi na makaasa sa iyong katapatan.” (Kaya papaano mangyayari na ang sinoman sa kanila ay “nagtatamasa rin ng malaking kagalakan dahil sa katiyakan ng kanilang kaligtasan”?)

Ayon sa Bibliya, papaano isinasagawa ang pagdalisay sa mga kasalanan?

1 Juan 1:7, 9, JB: “Kung tayo’y namumuhay sa liwanag, na gaya niyang [Diyos] nasa liwanag, ay nagkakaisa tayo sa isa’t isa, at dinadalisay tayo ng dugo ni Jesus, na kaniyang Anak, sa lahat ng kasalanan. . . . Kung ipinagtatapat natin ang ating mga kasalanan, kung magkagayon ang Diyos na tapat at makatarungan ay magpapatawad ng ating mga kasalanan at tayo’y dadalisayin sa lahat ng kasamaan [“lahat ng ating pagkakamali ay lilinisin,” Kx].”

Apoc. 1:5, JB: “Si Jesu-Kristo . . . ay umiibig sa atin at hinugasan ang ating mga kasalanan ng kaniyang dugo.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share