Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/14 p. 3
  • ‘Tipunin ang Bayan’

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • ‘Tipunin ang Bayan’
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Kaparehong Materyal
  • 1987 “Magtiwala kay Jehova” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1987
  • Makinig at Matuto
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Isang Okasyon Upang Pakainin ni Jehova at Magsaya
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2008
  • Halikayo sa “Dalisay na Wika” na Pandistritong Kombensiyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1990
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
km 9/14 p. 3

‘Tipunin ang Bayan’

1. Ano ang pagkakapareho ng mga panrehiyong kombensiyon at ng napakahalagang pagtitipon ng mga Israelita pagkalabas nila sa Ehipto?

1 Pagkalabas sa Ehipto, inutusan ni Jehova si Moises na ‘tipunin ang bayan’ sa Bundok Sinai para marinig nila ang Kaniyang salita at sa gayon ay matakot sila sa Kaniya at maturuan nila ang kanilang mga anak. (Deut. 4:10-13) Sa darating na mga buwan, ang bayan ni Jehova ay magtitipon sa mga panrehiyong kombensiyon para maturuan ni Jehova. Ano ang dapat nating gawin para lubusang makinabang?

2. Ano ang dapat nating gawin para maging handa sa ating kombensiyon?

2 Maging Handa: Inutusan ni Jehova ang mga Israelita na maging handa para sa makasaysayang pagtitipon sa Bundok Sinai. (Ex. 19:10, 11) Kailangan ding maghanda ang lahat ng dadalo sa kombensiyon. Halimbawa, kailangan ng marami na magbakasyon sa trabaho. Baka pareho kayo ng sitwasyon ni Nehemias. Gusto niyang magpaalam sa trabaho bilang katiwala ng kopa ni Haring Artajerjes para pumunta sa Jerusalem, pero alam niya na maaaring hindi pumayag ang hari. Nanalangin si Nehemias at saka lakas-loob na sinabi ang kahilingan niya. Pinayagan siya ng hari at sinuportahan pa nga nito ang paglalakbay niya! (Neh. 2:1-9) May masasakyan ka na rin ba at matutuluyan? Magplano para makarating nang maaga sa bawat sesyon, at maging handang “magbigay ng higit kaysa sa karaniwang pansin” sa mga mapapakinggan mo.​—Heb. 2:1.

3. Ano ang makakatulong para maihanda natin ang ating puso sa kombensiyon?

3 Mahalaga ring ihanda natin ang ating puso para makapakinig tayo at matuto. (Ezra 7:10) Ang programa ng kombensiyon ay patiunang ilalagay sa jw.org at makikita roon ang pamagat ng lahat ng mga pahayag, na may isa o dalawang susing teksto. Magandang talakayin ito sa Pampamilyang Pagsamba mga ilang linggo bago ang ating kombensiyon. Ang ilang mamamahayag ay nagpi-print ng programa para doon magsulat ng maiikling nota sa panahon ng kombensiyon.

4. Paano magagamit ng mga magulang ang kombensiyon para turuan ang mga anak nila?

4 ‘Turuan ang Inyong mga Anak’: Ang isa sa binanggit na layunin ng kombensiyon sa Bundok Sinai ay para “maturuan [ng mga magulang na Israelita] ang kanilang mga anak.” (Deut. 4:10) Ang panrehiyong kombensiyon ay napakaganda ring pagkakataon para maturuan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Sa panahon ng sesyon, dapat na katabi nila ang kanilang mga anak at tinutulungan silang makinig nang mabuti. Sa pagtatapos ng bawat araw at sa panahon ng pagsamba ng pamilya, puwede nilang pag-usapan ang programa.

5. Paano tayo makikinabang sa pagdalo sa dumarating na panrehiyong kombensiyon?

5 Sa tatlong araw na kombensiyon, makakalabas tayo sa malupit na sanlibutan ni Satanas at magtatamasa ng espirituwal na kaginhawahan at nakapagpapatibay na samahan sa loob ng espirituwal na paraiso. (Isa. 35:7-9) Habang papalapít ang araw ni Jehova, huwag nawa nating pabayaan ang ganitong pagtitipon para magpalitan ng pampatibay-loob!​—Heb. 10:24, 25.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share