Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 9/14 p. 4
  • Isang Espesyal na Imbitasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Isang Espesyal na Imbitasyon
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Espesyal na Imbitasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2015
  • Magsisimula sa Marso 1 ang Kampanya Upang Ipag-anyaya ang Memoryal
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2013
  • Kampanya ng Pamamahagi ng Imbitasyon Para sa Kombensiyon
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2016
  • Pag-iimbita sa Memoryal—Magsisimula sa Marso 22
    Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2014
km 9/14 p. 4

Isang Espesyal na Imbitasyon

1. Kailan magsisimula ang pag-iimbita para sa 2014 panrehiyong kombensiyon?

1 Kung may pinaplano kang espesyal na salusalo para sa mga kaibigan o kapamilya mo, na paghahandaan at gagastusan mo, malamang na magiging excited kang ipag-imbita iyon. Marami ring ginawa para maihanda ang espirituwal na piging na ihaharap sa 2014 panrehiyong kombensiyon. Tatlong linggo bago ang kombensiyon natin, may pribilehiyo tayong mag-imbita sa mga tao. Ano ang makakatulong sa atin na mag-imbita nang may sigla?

2. Ano ang magpapakilos sa atin na makibahagi nang lubusan sa pag-iimbita?

2 Mapapakilos tayong makibahagi nang lubusan sa pag-iimbita kung bubulay-bulayin natin kung gaano tayo personal na nakikinabang sa espirituwal na piging na inilalaan ni Jehova sa mga kombensiyon natin. (Isa. 65:13, 14) Dapat din nating tandaan na may resulta ang ginagawa nating pag-iimbita taon-taon. Ang ilan sa mga maiimbitahan natin ay dadalo kasama natin. Marami man o kaunti ang tumugon, ang mga pagsisikap natin ay magdudulot ng papuri kay Jehova at magpapakita ng pagkabukas-palad niya.​—Awit 145:3, 7; Apoc. 22:17.

3. Paano ipamamahagi ang imbitasyon?

3 Dapat tiyakin ng lupon ng matatanda kung paano maipamamahagi ang imbitasyon sa pinakamaraming tao hangga’t maaari, at kung mag-iiwan ba ng imbitasyon sa mga bahay na walang tao o iaalok ito sa pampublikong pagpapatotoo sa teritoryo. Sa mga dulo ng sanlinggo, dapat ding mag-alok ng mga magasin kung angkop. Kung tumapat ang unang Sabado ng buwan sa panahon ng pamamahagi ng imbitasyon, dapat na mas magpokus sa pag-iimbita kaysa magpasimula ng mga pag-aaral sa Bibliya. Pagkatapos ng panahon ng pag-iimbita, tiyak na magiging masaya tayo dahil alam natin na masigla tayong nakibahagi rito at naimbitahan natin ang pinakamaraming tao na maiimbitahan nating dumalo sa espirituwal na piging na inilalaan ni Jehova!

Ano ang Sasabihin Mo?

Pagkatapos bumati, puwede mong sabihin: “Nag-iimbita kami para sa isang napakaimportanteng okasyon, at ginagawa sa buong mundo ang pag-iimbitang ito. Nakalagay sa imbitasyong ito ang petsa, oras, at adres.”

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share