PAMUMUHAY BILANG KRISTIYANO
Ano ang Tunay na Pag-ibig?
Layunin ni Jehova na ang pag-aasawa ay maging permanenteng pagsasama ng isang lalaki at isang babae. (Gen 2:22-24) Ang tanging saligan ng diborsiyo ay seksuwal na imoralidad. (Mal 2:16; Mat 19:9) Dahil gusto ni Jehova na maging masaya ang pag-aasawa, nagbigay siya ng mga simulaing tutulong para makapili ng tamang mapapangasawa at mapanatiling masaya ang pagsasama.—Ec 5:4-6.
PANOORIN ANG VIDEO NA ANO ANG TUNAY NA PAG-IBIG? PAGKATAPOS, SAGUTIN ANG SUMUSUNOD NA MGA TANONG:
Bakit matalino at maibigin ang payo nina Frank at Bonnie kay Liz?
Bakit di-matalinong isiping mababago mo ang nanliligaw sa iyo?
Anong matalinong payo ang ibinigay nina Paul at Priscilla kay Liz?
Bakit nagkaproblema ang pagsasama nina Zach at Megan?
Anong magkatulad na tunguhin ang inaabot nina John at Liz?
Bakit dapat mo munang malaman ang “lihim na pagkatao ng puso” ng isa bago magpakasal? (1Pe 3:4)
Ano ang tunay na pag-ibig? (1Co 13:4-8)