Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • jy kab. 10 p. 28-p. 29 par. 7
  • Naglakbay ang Pamilya Nina Jesus Patungong Jerusalem

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naglakbay ang Pamilya Nina Jesus Patungong Jerusalem
  • Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
  • Kaparehong Materyal
  • Mga Paglalakbay sa Jerusalem
    Ang Pinakadakilang Tao na Nabuhay Kailanman
  • Ang Batang si Jesus
    Mga Aral na Matututuhan Mo sa Bibliya
  • Ang Batang si Jesus sa Templo
    Ang Aking Aklat ng mga Kuwento sa Bibliya
  • Natuto si Jesus na Maging Masunurin
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2010
Iba Pa
Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
jy kab. 10 p. 28-p. 29 par. 7
Nagtatanong ang 12-anyos na si Jesus sa mga Judiong guro sa templo

KABANATA 10

Naglakbay ang Pamilya Nina Jesus Patungong Jerusalem

LUCAS 2:40-52

  • NAGTATANONG SA MGA GURO ANG 12-ANYOS NA SI JESUS

  • TINAWAG NI JESUS SI JEHOVA NA “AKING AMA”

Tagsibol na. Panahon na para pumunta sa Jerusalem ang pamilya ni Jose, kasama ang kanilang mga kaibigan at kamag-anak, gaya ng ginagawa nila taon-taon. Pumupunta sila roon para ipagdiwang ang Paskuwa, gaya ng iniuutos sa Kautusan. (Deuteronomio 16:16) Mula sa Nazaret, mga 120 kilometro ang layo ng Jerusalem. Tiyak na abala at masaya ang lahat! Si Jesus, na 12 anyos na ngayon, ay sabik na sabik na sa kapistahan at sa pagkakataong makapunta uli sa templo.

Alam ni Jesus at ng pamilya niya na ang Paskuwa ay hindi lang basta isang-araw na okasyon. Pagkatapos ng araw ng Paskuwa, magsisimula naman ang pitong-araw na Kapistahan ng Tinapay na Walang Pampaalsa. (Marcos 14:1) Itinuturing itong bahagi ng kapistahan ng Paskuwa. Ang paglalakbay mula sa kanilang tahanan sa Nazaret, ang pananatili sa Jerusalem, at ang paglalakbay nila pauwi ay umaabot nang mga dalawang linggo. Pero mas tumagal ang paglalakbay nila ngayon dahil sa isang problemang natuklasan nila habang pauwi mula sa Jerusalem.

MASASAYANG PAGLALAKBAY

Naglalakbay si Jesus at ang pamilya niya patungong Jerusalem

Napakasayang panahon para sa lahat ang paglalakbay patungong Jerusalem para ipagdiwang ang tatlong kapistahan taon-taon. (Deuteronomio 16:15) Sa gayong mga paglalakbay, nakikita ni Jesus ang iba’t ibang bahagi ng lupain, natututuhan ang heograpiya nito, at nakikilala ang mga kapuwa mananamba mula sa ibang mga rehiyon. Talaga ngang hindi malilimutan ang mga paglalakbay na iyon!

Sa kanilang paglalakbay, inakala nina Jose at Maria na si Jesus ay kasama ng kanilang mga kamag-anak at kaibigan na sama-samang naglalakbay pauwi. Pero noong gabing huminto sila para magpahinga, hindi nila makita si Jesus. Kaya hinanap nila siya sa kanilang mga kasama, pero wala siya roon. Nawawala ang kanilang anak! Kaya bumalik sina Jose at Maria sa Jerusalem para hanapin siya.

Buong araw nila siyang hinanap, pero hindi nila siya nakita. Hindi rin nila siya nakita noong ikalawang araw. Sa wakas, sa ikatlong araw, nakita nila ang kanilang anak sa templo, sa isa sa mga bulwagan doon. Nakaupo si Jesus sa gitna ng ilang Judiong guro, nakikinig at nagtatanong sa kanila. Hangang-hanga ang mga ito sa kaniyang unawa.

Nahanap nina Jose at Maria si Jesus

“Anak, bakit mo ginawa ito?” ang tanong ni Maria. “Alalang-alala kami ng tatay mo sa paghahanap sa iyo.”—Lucas 2:48.

Nagtataka si Jesus kung bakit hindi nila alam kung nasaan siya. “Bakit ninyo ako hinahanap?” ang tanong niya. “Hindi po ba ninyo alam na dapat ay nasa bahay ako ng aking Ama?”—Lucas 2:49.

Ngayong nagkita na sila, sumama si Jesus kina Jose at Maria pauwi sa Nazaret at patuloy na naging masunurin sa kanila. Siya ay patuloy na lumaki at lalong naging marunong. Bagaman bata pa, naging kalugod-lugod siya sa Diyos at sa mga tao. Oo, mula pagkabata, si Jesus ay naging mabuting halimbawa, hindi lang sa pagpapahalaga sa espirituwal na mga bagay kundi sa pagpapakita rin ng paggalang sa kaniyang mga magulang.

  • Saan pumupunta si Jesus at ang pamilya niya tuwing tagsibol, at bakit?

  • Noong 12 anyos si Jesus, ano ang natuklasan nina Jose at Maria nang pauwi sila mula sa Jerusalem? Saan nila nakita si Jesus?

  • Anong magandang halimbawa ni Jesus ang dapat tularan ng mga kabataan ngayon?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share