Introduksiyon sa Seksiyon 8
Binigyan ni Jehova si Solomon ng malalim na karunungan at sa kaniya iniatas ang pagtatayo ng templo, pero nang maglaon, iniwan niya si Jehova. Kung ikaw ay isang magulang, ipaliwanag sa iyong anak kung paanong si Solomon ay nailayo ng di-tunay na mga mananamba mula sa Diyos. Nahati ang kaharian, at dahil sa masasamang hari, ang bansa ay nag-apostata at sumamba sa mga diyos-diyusan. Nang panahong iyon, maraming tapat na propeta ni Jehova ang inusig at pinatay. Lalo pang lumayo sa tunay na pagsamba ang hilagang kaharian dahil kay Reyna Jezebel. Malagim na panahon iyon sa kasaysayan ng Israel. Pero marami pa ring tapat na mga mananamba si Jehova sa bansang Israel, kabilang na si Haring Jehosapat at propeta Elias.