AWIT 130
Maging Mapagpatawad
Printed Edition
1. Dahil sa pag-ibig,
Si Jehova’y naglaan
Upang mapatawad tayo
Sa ating kasalanan.
Kung tunay ang pagsisisi,
Tayo’y mapapatawad.
Salig sa hain ni Kristo,
Awa ay igagawad.
2. Tatanggap ng awa
Kung ang Diyos tutularan.
Patawarin din ang kap’wa
Kung tayo ay nasaktan.
Kapatid ay pagtiisan;
Tampuhan ay iwasan.
Ang dangal ay ipakita;
Dapat na magmahalan.
3. Taglayin ang awa;
Ito’y dapat linangin.
Pagkakasala’y limutin;
Galit ay ’yong alisin.
Ang Diyos ay ating tularan;
Pag-ibig niya’y dakila.
Maging handang magpatawad,
Gaya rin ni Jehova.
(Tingnan din ang Mat. 6:12; Efe. 4:32; Col. 3:13.)