Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • km 11/02 p. 7
  • Tanong

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Tanong
  • Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Tanong
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1991
  • Kailangan Natin ang Kongregasyon
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1995
  • Mga Paraan ng Pangangaral ng Mabuting Balita
    Organisado Upang Gawin ang Kalooban ni Jehova
  • Patibayin ang Kongregasyon
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2007
Iba Pa
Ating Ministeryo sa Kaharian—2002
km 11/02 p. 7

Tanong

◼ Ano ang mga bentaha ng pagdalo sa kongregasyon na may sakop sa teritoryo kung saan tayo nakatira?

Sa pamamagitan ng kaayusan ng kongregasyon, tumatanggap tayo ng pampatibay-loob na ‘nag-uudyok sa atin sa pag-ibig at sa maiinam na gawa.’ (Heb. 10:​24, 25) Sa pamamagitan ng kongregasyon ay natututuhan natin ang katotohanan at nasasangkapan tayo na tuparin ang ating atas na gumawa ng mga alagad. (Mat. 28:​19, 20) Tayo rin ay napalalakas na batahin ang mga pagsubok nang buong katapatan at napaglalaanan ng maibiging mga tagapangasiwa upang tulungan tayong mapagtagumpayan ang dumaraming mga panggigipit at mga kabalisahan. Maliwanag, ang kongregasyon ay mahalaga sa ating espirituwal na kaligtasan. Gayunman, may mga bentaha ba sa pagdalo sa kongregasyon na may sakop sa teritoryo kung saan tayo nakatira?

Iba’t iba ang mga kalagayan ng bawat indibiduwal, at ang mga salik na gaya ng sekular na trabaho, di-sumasampalatayang asawa, at transportasyon ay maaaring makaapekto sa panghuling pasiya ng isa hinggil sa bagay na ito. Gayunman, may tiyak na mga bentaha, kapuwa sa espirituwal at sa iba pang bagay, kapag ang isang tao ay umugnay sa kongregasyon na may sakop sa teritoryo kung saan siya nakatira. Mas madaling makipag-ugnayan ang matatanda sa lahat ng mamamahayag kapag may mga kagipitan. Ang nakalipas na mga Tanong ay nagtampok sa iba pang mga bentaha.​—Hunyo 1991, Mayo 1976, at Marso 1967.

Sa pangkalahatan, mas maalwang dumalo sa mga pulong sa malapit, na nagpapahintulot na makarating tayo nang maaga upang makausap ang iba, asikasuhin ang mahahalagang bagay, at makibahagi sa pambukas na awit at panalangin. Kapag ang mga bagong interesadong tao ay nakatira lamang malapit sa atin, kadalasang nasa mas mahusay na kalagayan tayo upang makausap sila, magdaos ng mga pag-aaral ng Bibliya sa kanila, at akayin sila sa mga pulong na pinakamaalwan sa kanila.

Nagtitiwala kami na isasaalang-alang ito nang may pananalangin ng mga ulo ng pamilya, anupat tinitimbang ang lahat ng mga salik na nasasangkot sa pagtiyak kung ano ang pinakamabuti para sa espirituwal at pisikal na kapakanan ng kanilang pamilya.​—1 Tim. 5:8.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share