Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g02 10/22 p. 3
  • Naglalaho Na ba ang Pag-asa Para sa Kapayapaan?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Naglalaho Na ba ang Pag-asa Para sa Kapayapaan?
  • Gumising!—2002
  • Kaparehong Materyal
  • Mawawala Pa Ba ang Terorismo?
    Iba Pang Paksa
  • Terorismo—Malapit Nang Magwakas!
    Gumising!—2001
  • Kasaysayang Tigmak sa Dugo
    Gumising!—2006
  • Kapayapaan sa Lupa sa Wakas!
    Gumising!—2006
Iba Pa
Gumising!—2002
g02 10/22 p. 3

Naglalaho Na ba ang Pag-asa Para sa Kapayapaan?

“Sa ngayon ay nadarama natin na tayo’y nabubuhay . . . sa gitna ng isang buhawi, isang walang katulad na malaking kapahamakan.”​—Diyaryong “La Repubblica,” Roma, Italya.

MATAPOS ang mga pagsalakay ng mga terorista noong nakaraang taon sa New York City at Washington, D.C., mas maraming tao higit kailanman ang nag-iisip hinggil sa kinabukasan ng sangkatauhan. Ang mga napapanood sa TV na nagpapakita sa pagbagsak ng naglalagablab na Twin Towers​—gayundin yaong nagpapakita sa kawalang-pag-asa ng mga nakaligtas​—ay isinahimpapawid nang napakaraming beses. Ang mga larawang ito ay nagdulot ng dalamhati sa mga tao sa buong daigdig. Kalakip sa dalamhating iyan ang pagkadama na ang daigdig sa paanuman ay sumailalim sa makasaysayang pagbabago. Gayon nga ba?

Sumiklab ang digmaan pagkatapos ng Setyembre 11, 2001. Di-nagtagal, ang mga bansa na dating magkaaway ay naging magkaalyado sa sama-samang pagsisikap na sugpuin ang terorismo. Sa kabuuan, napakarami ang namatay at napakalaki ang napinsala. Ngunit marahil ang mas mahalagang pagbabago para sa maraming tao sa buong daigdig ay ang pagkadama ng kawalang-katiwasayan, ang tumitinding damdamin na walang sinuman ang talagang ligtas, saan ka man naroroon.

Ang mga lider sa daigdig ay napapaharap sa pagkalalaking problema. Nag-iisip ang mga peryodista at mga komentarista kung paano mapipigil ang mabilis na paglaganap ng terorismo, yamang lumilitaw na ito ay pinukaw ng karalitaan at pagkapanatiko​—mga kapighatiang waring walang sinuman ang nakaaalam kung paano lulunasan. Laganap ang kawalang-katarungan sa daigdig anupat naririyan ang bawat elemento para sa isang lubhang mapanganib na situwasyon. Nag-iisip ang lahat ng uri ng mga tao kung maglalaho pa ba ang mga suliranin ng lipunan. Magwawakas pa ba ang digmaan, lakip na ang lahat ng kahapisan, kamatayan, at pagkawasak na dulot nito?

Milyun-milyong tao ang bumabaling sa organisadong relihiyon taglay ang mga tanong na ito. Gayunman, ang iba ay higit na nag-aalinlangan. Kumusta ka naman? Sa palagay mo ba’y masasagot ng mga relihiyosong lider ang mga tanong na iyan? At talaga bang makatutulong sila ukol sa kapayapaan sa pamamagitan ng kanilang mga panalangin?

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share