Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g05 5/8 p. 3
  • Ano ba ang mga Palabas Ngayong Tag-araw?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ano ba ang mga Palabas Ngayong Tag-araw?
  • Gumising!—2005
  • Kaparehong Materyal
  • Mula sa Iskrip Tungo sa Pinilakang Tabing
    Gumising!—2005
  • Mahalaga ba Kung Anong Pelikula ang Pinanonood Ko?
    Gumising!—1990
  • Magplano Na Ngayon Para sa Pantanging Gawain sa Tag-araw
    Ating Ministeryo sa Kaharian—1992
  • Aling mga Pelikula ang Panonoorin Mo?
    Gumising!—2005
Iba Pa
Gumising!—2005
g05 5/8 p. 3

Ano ba ang mga Palabas Ngayong Tag-araw?

ANO ang gusto mong gawin kapag dumarating ang tag-araw? Kung magiging mainit ang lagay ng panahon, maaaring mahikayat kang lumabas​—marahil para mamasyal sa tabing-dagat o sa parke.

Gayunman, ang mga nasa industriya ng pelikula ay umaasa na gugugulin ng milyun-milyong tao ang marami sa kanilang oras sa panahon ng tag-araw sa loob ng mga sinehan. Mayroong di-kukulangin sa 35,000 sinehan sa Estados Unidos lamang, at sa kalilipas na mga taon, mga 40 porsiyento ng mga kinita sa takilya sa bansang iyan ay natamo sa panahon ng tag-araw.a “Ito’y kagaya ng kinikita sa panahon ng Pasko,” ang sabi ni Heidi Parker ng magasing Movieline.

Hindi naman laging ganito. Matumal noon ang mga sinehan sa Estados Unidos kapag tag-araw, anupat napipilitan ang marami sa mga ito na limitahan ang kanilang iskedyul ng pagpapalabas o magsara pa nga sa panahong iyon. Ngunit pagsapit ng kalagitnaan ng dekada ng 1970, milyun-milyon ang nahikayat sa mga sinehang may air-​condition para maiwasan ang mainit na panahon. Wala ring pasok sa eskuwela ang mga bata, na bumubuo sa potensiyal na mga manonood na hindi pinaligtas ng mga gumagawa ng pelikula. Di-nagtagal at pumatok na nga ang mga pelikula sa tag-araw.b Binago nito ang paraan ng paggawa, pag-aanunsiyo at pagbebenta ng mga pelikula, gaya ng makikita natin.

[Mga talababa]

a Sa Estados Unidos, ang panahon ng pelikula sa tag-araw ay nagsisimula sa Mayo at nagpapatuloy hanggang Setyembre.

b Ayon sa tradisyon, ang terminong “patok sa takilya” (blockbuster) ay ikinakapit sa mga pelikulang kumita ng $100 milyon o higit pa. Gayunman, ang terminong ito ay ginagamit kung minsan nang mas malawak upang ilarawan ang anumang matagumpay na pelikula, gaanuman ang kinita nito sa takilya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share