Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g 1/15 p. 6
  • Sagot na Dapat Pag-isipan

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Sagot na Dapat Pag-isipan
  • Gumising!—2015
  • Kaparehong Materyal
  • Paano Nagsimula ang Buhay?
    Iba Pang Paksa
  • Isang “Totoong Mayamang Pagtatagpo”
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1987
  • Saan Mo Masusumpungan ang mga Sagot?
    Gumising!—2004
  • Ano Bang Talaga ang Sinasabi ng Genesis?
    Gumising!—1988
Iba Pa
Gumising!—2015
g 1/15 p. 6
Nakabukas na Bibliya

TAMPOK NA PAKSA | PAANO NAGSIMULA ANG BUHAY?

Sagot na Dapat Pag-isipan

MATAPOS pag-aralan ang mga ebidensiya, napatunayan ng marami na ang buhay ay produkto ng isang matalinong Pinagmulan. Kuning halimbawa si Antony Flew, propesor ng pilosopiya, na dating nangungunang tagapagtaguyod ng ateismo. Nang malaman niya ang tungkol sa kahanga-hangang pagkamasalimuot ng buhay at mga pisikal na batas ng uniberso, nabago ang pananaw ni Flew. Sa pagsipi niya sa pangangatuwiran ng mga sinaunang pilosopo, isinulat niya: “Dapat nating paniwalaan anuman ang ipakita ng ebidensiya.” Para kay Propesor Flew, ipinakita ng ebidensiya ang pag-iral ng isang Maylalang.

Ganiyan din ang naging konklusyon ni Gerard, na nabanggit sa unang artikulo ng seryeng ito. Kahit isa siyang entomologo at may mataas na pinag-aralan, sinabi niya: “Wala akong nakitang ebidensiya na kusang lumitaw ang buhay mula sa mga bagay na walang buhay. Ang pagiging maayos at masalimuot ng mga bagay na may buhay ay nakakumbinsi sa ‘kin na may isang Organisador at Disenyador.”

Kung paanong nakikilala ng isang tao ang isang pintor sa pamamagitan ng kaniyang mga gawang-sining, nakilala rin ni Gerard ang Maylalang sa pamamagitan ng Kaniyang mga likha. Pinag-aralan din ni Gerard ang isang aklat na ipinasulat ng Maylalang​—ang Bibliya. (2 Timoteo 3:16) Nakumbinsi siya sa sinasabi nito tungkol sa kasaysayan ng tao, at nakita niya rito ang praktikal na mga solusyon sa problema ng tao ngayon. Kaya natiyak niya na ang Bibliya ay produkto rin ng isang matalinong Pinagmulan.

Gaya ni Gerard, dapat mo ring pag-isipan ang mga sagot ng Bibliya. Hinihimok ka naming gawin iyan.

Alam Mo Ba?

ANG BIBLIYA AY HINDI KONTRA-SIYENSIYA. Sa kabaligtaran, pinasisigla nito ang mga tao na pag-aralan ang kalikasan. (Isaias 40:26) Ang Bibliya ay hindi naman isang aklat-aralin sa siyensiya, pero kasuwato ito ng siyensiya. Halimbawa, hindi sumasang-ayon ang Bibliya sa creationism. Hindi nito sinasabi na nilikha ang lupa sa loob ng anim na literal na araw na may tig-24 na oras. Ang salitang “araw” na ginamit sa Genesis ay tumutukoy sa mahabang yugto ng panahon.a

a Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang brosyur na Saan Nagmula ang Buhay? na inilalathala ng mga Saksi ni Jehova at available online sa www.jw.org/tl.

Itinuturo ng Bibliya na . . .

ANG BUHAY AY NAGMULA LAMANG SA MAY-BUHAY. “Nasa iyo [Diyos] ang bukal ng buhay.”​—Awit 36:9.

NILALANG NG DIYOS ANG MGA HAYOP AT HALAMAN “AYON SA KANI-KANILANG URI.” (Genesis 1:11, 12, 21, 24, 25) Walang binabanggit ang Bibliya tungkol sa takdang hangganan ng mga ‘uring’ ito. Kaya may antas ng pagkakaiba-iba sa bawat uri ng nilalang.

NILIKHA NG DIYOS ANG TAO NA MAY KAKAYAHANG MAGPAKITA NG MGA KATANGIANG GAYA NG SA KANIYA. Kabilang sa mga ito ang pag-ibig, kabutihan, at katarungan. “Sinabi ng Diyos: ‘Gawin natin ang tao ayon sa ating larawan, ayon sa ating wangis.’”​—Genesis 1:26.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share