Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g17 Blg. 6 p. 3
  • Maisasalba Pa Ba ang Mundo o Hindi Na?

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Maisasalba Pa Ba ang Mundo o Hindi Na?
  • Gumising!—2017
  • Kaparehong Materyal
  • Inilapit ng mga Scientist sa 12 O’Clock ang Doomsday Clock—Ano ang Sinasabi ng Bibliya?
    Iba Pang Paksa
  • Talaan ng mga Nilalaman
    Gumising!—2012
  • Katapusan ng Mundo—Nakaiintriga sa Marami
    Gumising!—2012
  • Tapos Na ba ang Bantang Nuklear?
    Gumising!—1999
Iba Pa
Gumising!—2017
g17 Blg. 6 p. 3
Ang Doomsday Clock

TAMPOK NA PAKSA | MAISASALBA PA BA ANG MUNDO?

Maisasalba Pa Ba ang Mundo o Hindi Na?

NAGSIMULA ang taóng 2017 sa isang nakalulungkot na proklamasyon ng mga nasa larangan ng siyensiya. Noong Enero, isang grupo ng mga siyentipiko ang nagsabi na ang mundo ay mas malapit na sa tuluyang pagkawasak nito. Para ilarawan ito gamit ang Doomsday Clock, iniabante ng mga siyentipiko ang mahabang kamay ng orasan nang 30 segundo. Ang Doomsday Clock ay halos nasa dalawa’t kalahating minuto na ngayon bago maghatinggabi—mas malapit sa tuluyang pagkawasak ng mundo kaysa noong nakalipas na mahigit 60 taon!

Sa 2018, planong suriin ulit ng mga siyentipiko kung gaano na tayo kalapit sa katapusan ng mundo. Maipahihiwatig pa rin kaya ng Doomsday Clock ang nalalapit at walang-katulad na kapahamakan? Ano sa palagay mo? Maisasalba pa ba ang mundo? Baka mahirapan kang sagutin ito. Maging ang mga eksperto ay magkakaiba rin ang opinyon tungkol dito. Hindi lahat ay naniniwala sa di-maiiwasang pagkawasak ng mundo.

Sa katunayan, milyon-milyon ang naniniwala sa isang magandang kinabukasan. Sinasabi nilang may ebidensiyang makaliligtas ang sangkatauhan at ang ating planeta, at na gaganda ang kalidad ng ating buhay. Kapani-paniwala ba ang ebidensiyang iyon? Maisasalba pa ba ang mundo o hindi na?

“Ang Doomsday Clock ay isang simbolong kinikilala ng maraming bansa na nagpapahiwatig kung gaano na tayo kalapit sa pagkawasak ng ating sibilisasyon dahil sa mapanganib na mga teknolohiyang tayo mismo ang gumagawa. Pangunahin na rito ang mga sandatang nuklear, bukod pa sa mga teknolohiyang nagpapabago sa klima, mga naglilitawang biotechnology, at cybertechnology na nagdudulot ng permanenteng pinsala—sinadya man ito, pagkakamali, o aksidente—sa ating pamumuhay at sa planeta.”—Bulletin of the Atomic Scientists.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share