Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • g22 Blg. 1 p. 10-12
  • 3 | Ingatan ang Kaugnayan Mo sa Iba

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • 3 | Ingatan ang Kaugnayan Mo sa Iba
  • Gumising!—2022
  • Subtitulo
  • Kaparehong Materyal
  • BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?
  • Ang Dapat Mong Malaman
  • Ang Puwede Mong Gawin Ngayon
  • Mabubuting Kaibigan—Masasamang Kaibigan
    Gumising!—2004
  • Piliing Mabuti ang mga Kaibigan Mo
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
  • Sinasapatan ang Ating Masidhing Pagnanais na Makipagkaibigan
    Gumising!—2004
  • Tunay na Pagkakaibigan sa Daigdig na Salat sa Pag-ibig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2009
Iba Pa
Gumising!—2022
g22 Blg. 1 p. 10-12
Mag-asawang may-edad na masayang magkayakap.

MAGULO ANG MUNDO

3 | Ingatan ang Kaugnayan Mo sa Iba

BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?

Habang tumitindi ang mga álalahanín dahil sa dumaraming problema sa mundo, napapabayaan ng marami ang kaugnayan nila sa mga mahal nila sa buhay.

  • Nilalayuan ng mga tao ang mga kaibigan nila.

  • Unti-unting nawawala ang pagmamahal ng mga mag-asawa sa isa’t isa.

  • Hindi masyadong pinapansin ng mga magulang ang iniisip at nararamdaman ng mga anak nila.

Ang Dapat Mong Malaman

  • Mahalaga sa kalusugan at emosyon natin ang pagkakaroon ng mga kaibigan, lalo na sa mahihirap na kalagayan.

  • Nakaka-stress ang dami ng problema sa mundo at puwede itong magdulot ng mga di-inaasahang problema sa pamilya ninyo.

  • Posibleng maapektuhan nang husto ang mga bata kapag nakarinig sila o nakapanood ng masasamang balita.

Ang Puwede Mong Gawin Ngayon

Ang sabi ng Bibliya: “Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at isang kapatid na maaasahan kapag may problema.”​—Kawikaan 17:17.

Mag-isip ng kaibigan na handang tumulong at puwedeng magbigay ng magandang payo sa iyo. Malaman mo lang na may nandiyan para sa iyo, magkakaroon ka na ng lakas na harapin ang mga problema sa bawat araw.

ANG PUWEDENG GAWIN​—Mga Tip

Sa panahon ng krisis, maiingatan mo ang iyong kaugnayan sa iba kung susundin mo ang mga tip na ito

PATIBAYIN ANG PAGSASAMA NINYONG MAG-ASAWA

Mag-asawang may-edad na masayang magkayakap.

Patibayin ang pagsasama ninyong mag-asawa

Ang sabi ng Bibliya: “Ang dalawa ay mas mabuti kaysa sa isa . . . Dahil kung mabuwal ang isa sa kanila, maibabangon siya ng kasama niya.” (Eclesiastes 4:9, 10) Ang mag-asawa ay parang pilot at copilot na may iisang ruta at destinasyon, at hindi parang dalawang fighter jet na magkalaban.

  • Sikaping huwag mainis sa isa’t isa dahil lang sa nai-stress kayo. Maging matiisin sa isa’t isa.

  • Kahit isang beses sa isang linggo, pag-usapan ninyong mag-asawa ang mga problema ninyo. Ang target ninyo ay lutasin ang problema at hindi ang magsisihan.

  • Gumawa ng mga bagay na pareho ninyong gusto.

  • Pagkuwentuhan ang masasayang pangyayari sa buhay  ninyong mag-asawa. Puwede ninyong tingnan ang mga picture ng kasal ninyo o iba pang masayang pangyayari sa buhay ninyo.

“Hindi talaga magkakasundo ang mag-asawa sa lahat ng bagay, pero kahit ganoon, puwede pa rin silang magtulungan. Puwedeng magkasamang gumawa ng desisyon ang mag-asawa at magtulungan para maging maganda ang resulta.”​—David.

HUWAG KALIMUTAN ANG MGA KAIBIGAN

  • Mga babaeng iba-iba ang lahi na magkakasamang nag-e-enjoy at nagtatawanan.

    Huwag kalimutan ang mga kaibigan

    Puwede kang tumanggap ng tulong mula sa mga kaibigan mo, pero puwede ka ring mag-isip ng paraan kung paano ka makakatulong. Kapag pinapatibay mo ang iba, mapapatibay ka rin.

  • Araw-araw, kumustahin ang ilan sa mga kaibigan mo.

  • Tanungin kung ano ang ginawa ng mga kaibigan mo na nasa sitwasyong kagaya ng sa iyo.

“Kapag parang binabagyo ka na ng mga problema, matutulungan ka ng mga kaibigan mo. Kapag hindi mo na alam ang gagawin mo, puwede nilang ipaalala sa iyo ang mga bagay na baka nakalimutan mo. Mahal ka ng mga kaibigan mo, at alam nila na mahal mo rin sila.”​—Nicole.

ALALAYAN ANG MGA ANAK

Mag-asawa at dalawa nilang anak na nakaupo sa may lawa at pinagmamasdan ang tanawin.

Alalayan ang mga anak

Ang sabi ng Bibliya: “Maging mabilis sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita.” (Santiago 1:19) Sa umpisa, baka nag-aalangan ang mga anak mo na ikuwento ang mga iniisip nila. Pero kung matiyaga kang makikinig, mas gugustuhin na nilang magkuwento sa susunod.

  • Gawing komportable para sa anak mo na magkuwento. May ilang bata na mas gustong magkuwento kapag relaxed sila, halimbawa kapag nasa kotse o kapag naglalakad, kaysa sa nakaupo lang at kaharap ang magulang.

  • Tiyakin na hindi masobrahan sa panonood o pakikinig ng masasamang balita ang mga anak mo.

  • Ipaliwanag sa anak mo kung ano ang mga ginawa mong hakbang para matiyak na ligtas ang buong pamilya ninyo.

  • Gumawa ng plano kung ano ang gagawin kapag nagkaroon ng emergency at i-practice ito kasama ang mga anak mo.

“Kausapin ang mga anak mo, at hayaan mo silang magkuwento. Baka natatakot sila, nag-aalala, o nagagalit, pero hindi nila masabi sa ’yo. Sabihin sa kanila na nararamdaman mo rin iyon, at ikuwento sa kanila kung paano mo hinarap iyon.”​—Bethany.

Eksena sa video na “Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya.” Mag-asawa na masayang naglalakad at magkahawak ang kamay.

HIGIT PANG IMPORMASYON. Panoorin ang Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share