Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • lv p. 218-p. 219 par. 1
  • Kung Paano Mapagtatagumpayan ang Masturbasyon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Kung Paano Mapagtatagumpayan ang Masturbasyon
  • Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
  • Kaparehong Materyal
  • Masturbasyon—Gaano Ito Kalubha?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas
  • Gaano Kaselan ang Masturbasyon?
    Gumising!—1987
  • Paano Ko Madadaig ang Masturbasyon?
    Ang mga Tanong ng mga Kabataan—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1
  • Mula sa Aming mga Mambabasa
    Gumising!—1988
Iba Pa
Manatili sa Pag-ibig ng Diyos
lv p. 218-p. 219 par. 1

APENDISE

Kung Paano Mapagtatagumpayan ang Masturbasyon

Ang masturbasyon ay isang bisyo na nakasisira ng espirituwalidad at nakapagpaparumi ng isipan.a Nagiging makasarili ang gumagawa nito. Sa kalaunan, maaari niyang ituring ang ibang tao na parausan lamang. Para sa kaniya, ang pagtatalik ay hindi na nagiging kapahayagan ng pag-ibig kundi isa na lamang paraan para mabigyang-kasiyahan ang seksuwal na pagnanasa. Pero pansamantala lamang ang kasiyahang naidudulot ng masturbasyon. Ang totoo, sa halip na patayin ang mga bahagi ng katawan “may kinalaman sa pakikiapid, karumihan, [at maling] pita sa sekso,” pinupukaw ng masturbasyon ang mga ito.​—Colosas 3:5.

Sumulat si apostol Pablo: “Mga minamahal, linisin natin ang ating sarili mula sa bawat karungisan ng laman at espiritu, na pinasasakdal ang kabanalan nang may pagkatakot sa Diyos.” (2 Corinto 7:1) Kung napakahirap para sa iyo na sundin ang mga pananalitang ito, huwag kang mawalan ng pag-asa. Si Jehova ay laging “handang magpatawad” at tumulong sa iyo. (Awit 86:5; Lucas 11:9-13) Tunay nga, ang pagkabagabag ng iyong budhi at ang determinasyon mong itigil ang bisyo na ito​—kahit nagagawa mo pa rin ito paminsan-minsan​—ay isang katunayan na mayroon kang mabuting saloobin. Tandaan din na ang “Diyos ay mas dakila kaysa sa ating mga puso at nakaaalam ng lahat ng mga bagay.” (1 Juan 3:20) Totoo, nakikita ng Diyos ang ating mga kasalanan. Pero kilala rin niya ang ating buong pagkatao. Dahil dito, lubusan niya tayong nauunawaan at pinakikinggan niya ang ating pagsusumamo na patawarin tayo sa ating mga kasalanan. Kaya huwag kang manghihimagod sa mapagpakumbaba at marubdob na pananalangin sa Diyos, gaya ng isang batang lumalapit sa kaniyang ama kapag may problema ito. Bibigyan ka ni Jehova ng malinis na budhi. (Awit 51:1-12, 17; Isaias 1:18) Siyempre pa, kailangan mong kumilos kasuwato ng iyong mga panalangin. Halimbawa, kailangan mong iwasan ang lahat ng anyo ng pornograpya pati na ang masasamang kasama.b

Kung patuloy pa rin ang iyong problema hinggil sa masturbasyon, pakisuyong ipakipag-usap mo ito sa iyong Kristiyanong magulang o sa isang nagmamalasakit at may-gulang sa espirituwal na kaibigan.c​—Kawikaan 1:8, 9; 1 Tesalonica 5:14; Tito 2:3-5.

a Ang masturbasyon ay tumutukoy sa paghimas sa ari, na karaniwan nang humahantong sa orgasmo.

b Maraming pamilya ang gumawa ng espesipikong hakbang para masubaybayan ang paggamit ng computer sa kanilang tahanan. Inilalagay nila ito sa lugar ng bahay na laging nakikita ng marami. Karagdagan pa, bumibili ang ilang pamilya ng mga software na humaharang sa di-kaayaayang mga materyal para hindi ito mabuksan o hindi makapasok ang mga ito sa kanilang computer. Gayunman, hindi lubusang maaasahan ang ganitong mga programa sa computer.

c Para sa ilang mungkahi kung paano mapagtatagumpayan ang masturbasyon, tingnan ang artikulong “Ang mga Kabataan ay Nagtatanong . . . Paano Ko Maaalis ang Bisyong Ito?” sa Nobyembre 2006 isyu ng Gumising!, at sa pahina 178-182 ng aklat na Ang mga Tanong ng mga Kabataan​—Mga Sagot na Lumulutas, Tomo 1.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share