Mabuting Halimbawa—David
Mahilig sa musika si David. Magaling siyang tumugtog ng instrumento at kumatha ng mga awit. Gumagawa pa nga siya ng sarili niyang mga instrumentong pangmusika. (2 Cronica 7:6) Dahil sa talento niyang ito, inanyayahan siya ng hari ng Israel na tumugtog sa maharlikang korte nito. (1 Samuel 16:15-23) Tinanggap iyon ni David. Pero hindi siya nagyabang, ni hinayaan niyang maging sentro ng buhay niya ang musika. Sa halip, ginamit niya ang kaniyang talento para purihin si Jehova.
Mahilig ka rin ba sa musika? Hindi ka man kasinghusay ni David pagdating sa musika, maaari mo pa ring tularan ang halimbawa niya. Paano? Kung hindi mo hahayaan na maging sentro ng buhay mo ang musika o maimpluwensiyahan ka nito na mag-isip at gumawa ng mga bagay na hindi nagpaparangal sa Diyos. Sa halip, gamitin mo ang musika para maging lalong kasiya-siya ang iyong buhay. Regalo ng Diyos ang kakayahang kumatha ng musika at masiyahan dito. (Santiago 1:17) Ginamit ni David ang regalong ito para mapasaya si Jehova. Ganiyan din ba ang gagawin mo?