Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “Ang Tiro”
  • Ang Tiro

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Ang Tiro
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Isang Hula Laban sa Tiro na Nagpapatibay ng Pagtitiwala sa Salita ni Jehova
    Ating Buhay at Ministeryong Kristiyano—Workbook Para sa Pulong—2017
  • Tiro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Ibinaba ni Jehova ang Pagmamapuri ng Tiro
    Hula ni Isaias—Liwanag Para sa Buong Sangkatauhan I
  • Alam Mo Ba?
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—2008
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “Ang Tiro”

FEATURE

Ang Tiro

ANG kasaysayan ng Tiro ay nagsisilbing isang mahusay na halimbawa ng katuparan ng mga hula sa Bibliya. Una, ang lunsod na nasa mismong kontinente ay bumagsak; pagkatapos, ang pulong lunsod ay winasak. Kapuwa inihula ang mga pangyayaring ito.

[Mapa sa pahina 531]

MAPA: Ang Tiro

Noong mga araw ni David at ni Solomon, may mapayapang ugnayan sa pagitan ng Israel at Tiro. (1Cr 14:1; 1Ha 9:10, 11) Ngunit ang mga taga-Tiro ay mga mananamba nina Melkart at Astarte. Abalang-abala ang Tiro sa komersiyo. Habang umuunlad ito, lalo naman itong nagiging palalo. Naging mananalansang ito ni Jehova, at humula ang mga propeta ni Jehova ng kapahamakan para sa Tiro.

Kinubkob ni Nabucodonosor II ang lunsod. Pagkaraan ng maraming taon, parang wala nang kabuluhan ang magpatuloy pa siya. Ngunit nagtiyaga siya hanggang sa bumagsak ang Tiro pagkatapos ng 13 taon, sa gayon ay natupad ang hula sa Bibliya na nagsabing siya ang lulupig dito.​—Eze 26:7-12.

Nang maglaon, si Zacarias ay muling humula ng pagkawasak ng Tiro, ngunit para naman ito sa pulong lunsod. Upang marating ito, hinakot ni Alejandrong Dakila ang mga guho ng lunsod na nasa mismong kontinente upang makagawa ng isang daanan; nagtayo siya ng pagkalaki-laking mga toreng pangubkob. Bagaman ang mga pader ng Tiro ay may taas na 46 na m (150 piye), ang hula ay natupad.​—Zac 9:3, 4; Eze 26:4, 12.

[Larawan sa pahina 531]

Hitsura ng Tiro mula sa himpapawid, kasama ang lugar sa palibot ng daanan, na ang malaking bahagi ay natabunan na

[Larawan sa pahina 532]

Mga sedro ng Lebanon. Si Hiram na hari ng Tiro ang naglaan ng tablang sedro para sa pagtatayo ng templo sa Jerusalem

[Larawan sa pahina 532]

Mga kalakal ng sinaunang Tiro: garing, langis, mahahalagang metal, kahoy, at kayo na tinina sa mamula-mulang purpura

[Larawan sa pahina 532]

Modelo ng isang uri ng barkong pangkalakal na maliwanag na ginamit ng sinaunang Tiro

[Larawan sa pahina 532]

Si Melkart, isa sa mga diyos ng sinaunang Tiro, gaya ng nakalarawan sa isang baryang pilak na tetradrakma (siklo) ng Tiro

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share