FEATURE
Sa Loob at sa Palibot ng Jerusalem sa Ngayon
JERUSALEM—dating sentro ng tunay na pagsamba sa Diyos na Jehova, ngunit hindi na ito ang lunsod na nagtataglay ng pangalan ng Diyos. Naiwala ng Jerusalem ang natatanging katayuan nito nang mag-apostata ito sa mga turo ng Salita ng Diyos at itakwil nito ang Mesiyas, si Jesus. (Luc 13:34, 35) Gayunman, hanggang ngayon, interesadung-interesado pa rin sa Jerusalem ang mga taong may pagmamahal sa Bibliya sapagkat dito naganap ang mga pangyayaring may pansansinukob na kahalagahan.
Makikita mula sa himpapawid sa gawing timog (gaya ng nasa pahinang ito) ang mga bahagi ng lunsod ng Jerusalem at ang kaugnayan ng mga ito sa isa’t isa. Nasa gawing itaas ang Bundok Moria, na kinaroroonan ng templo. Nasa gawing ibaba naman ang Bundok Sion, na kahangga ng agusang libis ng Kidron sa silangan at ng Libis ng Tyropoeon sa kanluran. Ang Lunsod ni David ay itinayo sa Bundok Sion.
Kung tatayo ang isang tao sa Bundok ng mga Olibo sa dakong silangan ng Jerusalem, matatanaw niya ang ibayo ng Libis ng Kidron at makikita ang dating kinatatayuan ng templo. Sa ngayon, prominenteng-prominente rito ang isang dambanang Muslim na kilala bilang Dome of the Rock. Si Jesus ay ‘nakaupo sa Bundok ng mga Olibo na abot-tanaw ang templo’ nang bigkasin niya ang kaniyang bantog na hula tungkol sa “katapusan ng sistema ng mga bagay.”—Mar 13:3; Mat 24:3.
Ang lugar ng templo gaya ng makikita mula sa Bundok ng mga Olibo. Nasa harapan ang mga dakong libingan ng mga Judio na naniniwalang balang-araw ay magpapakita rito ang Mesiyas
Ang Holyland Model sa Jerusalem na pinaniniwalaan ng marami na hitsura ng unang-siglong Jerusalem
Ang Garden Tomb (itaas) at ang Church of the Holy Sepulchre (ibaba, unang-siglong mga libingan sa loob). Parehong inaangkin na pinaglibingan kay Jesus
Pintuang-daan ng Damasco, Jerusalem
Tanawin sa lansangan sa matandang bahagi ng Jerusalem
Ang Libis ng Hinom, na nasa dakong timog at timog-kanluran ng sinaunang Jerusalem, ay tinawag na Gehenna noong unang siglo
Ang Tipunang-tubig ng Siloam, na dinadaluyan ng bukal ng Gihon sa pamamagitan ng Paagusan ni Hezekias
Ang unang-siglong Tipunang-tubig ng Siloam, kung saan sinabi ni Jesus sa isang lalaking bulag na maghugas para gumaling (Ju 9:7)
Ang kinikilalang lokasyon ng hardin ng Getsemani
Betania, gaya ng makikita sa ngayon
Ang Warren’s Shaft, maaaring sa pamamagitan nito’y nakasalok ng tubig mula sa bukal ng Gihon gamit ang mga timba. Posibleng sa ganitong daanan nakapasok ang mga tauhan ni David patungo sa moog ng mga Jebusita sa Sion (2Sa 5:8)
Arkeolohikal na mga paghuhukay sa hilagang panig ng sinaunang Lunsod ni David
Ang Western Wall ng Jerusalem na may naglalakihang mga bato na mula pa noong unang siglo. Maraming Judio ang pumaparito upang manalangin