Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-2 “No, No-amon”
  • No, No-amon

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • No, No-amon
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
  • Kaparehong Materyal
  • Amon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Ehipto, Ehipsiyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Isang Aklat na Mapagkakatiwalaan Mo—Bahagi 1
    Gumising!—2010
  • Sinaunang Ehipto—Ang Unang Dakilang Kapangyarihan ng Daigdig
    Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1988
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
it-2 “No, No-amon”

NO, NO-AMON

[mula sa Ehipsiyo, nangangahulugang “Lunsod ni Amon [isang diyos ng Ehipto]”].

Isang prominenteng lunsod at dating kabisera ng Ehipto, na nasa magkabilang pampang ng mataas na Nilo at mga 530 km (330 mi) sa T ng Cairo. Kilala ito ng mga Griego bilang Thebes, ang pangalang karaniwang ginagamit ngayon.

Pinaniniwalaan ng ilang iskolar noon na ang Hebreong “No” ay isang maling salin ng Ehipsiyong pangalan nito. (Jer 46:25) Gayunman, itinatawag-pansin ni Propesor T. O. Lambdin na “ipinakikita ng mga pagsusuri kamakailan sa ponolohiyang Ehipsio-Coptic na ang Hebreong baybay ay malamang na tama at maaaring nagpapabanaag ng mas maagang Ehipsiyong pagbigkas . . . Ang suliranin ay lalong naging masalimuot dahil sa kawalang-katiyakan sa bahagi ng mga Ehiptologo may kinalaman sa tumpak na pagbasa sa mga katinig ng mismong Ehipsiyong salitang iyon.”​—The Interpreter’s Dictionary of the Bible, inedit ni G. A. Buttrick, 1962, Tomo 4, p. 615, 616.

Sa sinaunang mga tekstong Ehipsiyo, ang lunsod ay tinatawag na “ang Lunsod ni Amon.” Ito ay sapagkat naging pangunahing sentro ito ng pagsamba sa diyos na si Amon, na umangat mula sa pagiging maliit na bathala tungo sa posisyon ng punong diyos ng bansa, na itinumbas ng mga Griego kay Zeus (Jupiter). (Tingnan ang AMON Blg. 4.) Dito ay nagtayo ang mga paraon ng pagkalaki-laking mga monumento at mga templo, na sumasaklaw ng malawak na lugar sa S pampang ng Nilo (sa Karnak at Luxor), kabilang ang iba pang mariringal na templo at napakalaking libingan sa K pampang. Ang templo ni Amon sa Karnak ang itinuturing na pinakamalaking kayariang haligi na itinayo kailanman, ang ilan sa dambuhalang mga haligi nito ay mga 3.5 m (12 piye) ang diyametro.

Naging Kabisera ng Ehipto. Partikular na noong yugto na tinatawag na ang “Bagong Kaharian o Imperyo: mga Dinastiya 18-20,” natamo ng Thebes ang malaking katanyagan, anupat naging kabisera ito ng lupain. Dito, ang malayong distansiya mula sa dagat at mula sa tulay na lupa patungong Asia ay naglaan ng mainam na proteksiyon mula sa direksiyong iyon. Maaaring dahil sa ang pamahalaan sa Mababang Ehipto kasunod ng Pag-alis ng mga Israelita ay napakahina at nawalan ng kredibilidad, sinamantala ng mga maharlika ng Mataas na Ehipto ang situwasyon at natamo nila ang mataas na katayuan. Anuman ang nangyari, may katibayan ng malaking muling pag-oorganisa noong panahong iyon.

Sentro ng pagkasaserdote. Maging noong ilipat ang kontrol ng pangangasiwa sa ibang mga dako, ang No-amon (Thebes) ay patuloy na naging isang mayaman at prominenteng lunsod, ang sentro ng makapangyarihang pagkasaserdote ng Amon, na ang punong saserdote ay may ranggo na ikalawa sa Paraon mismo sa kapangyarihan at yaman. Ngunit noong ikapitong siglo B.C.E., ang pagsalakay ng Asirya ay nakarating sa Ehipto noong panahon ng pamamahala ng Asiryanong si Haring Esar-hadon. Ang kaniyang anak at kahalili na si Ashurbanipal ay muling lumusob, anupat nakaabot sa Thebes at lubusang sinamsaman ang lunsod. Maliwanag na ang pagkawasak na ito ang tinutukoy ng propetang si Nahum nang babalaan ang Nineve, ang kabisera ng Asirya, tungkol sa isang pagkawasak na gayundin katindi. (Na 3:7-10) Ang mga pandepensa ng No-amon, na nasa kahabaan ng daan mula sa Palestina at hanggang sa Nilo, ay nabigo, at ang mga kayamanan mula sa kaniyang mga kalakalan at mga relihiyosong templo ang naging gantimpala ng mananamsam na mga Asiryano.

Winasak. Gayunman, noong pagtatapos ng ikapitong siglo o noong maagang bahagi ng ikaanim na siglo, muling natamo ng No-amon ang isang waring prominenteng posisyon. Inihula ni Jeremias at ni Ezekiel ang kahatulan ng Diyos na Jehova sa punong diyos ng Ehipto, si Amon ng No, at kay Paraon at sa lahat ng Ehipsiyong diyos, na ang kahatulang ito ay sasapit sa pamamagitan ng Babilonyong si Haring Nabucodonosor. (Jer 46:25, 26; Eze 30:10, 14, 15) Muling sinalakay ng Persianong tagapamahala na si Cambyses ang No-amon noong 525 B.C.E., at ang lunsod ay unti-unting humina, anupat noong bandang huli ay lubusan itong winasak ng mga Romano sa ilalim ni Gayo Cornelio Gallo dahil sa pakikibahagi nito sa paghihimagsik laban sa pamamahala ng Roma (30/29 B.C.E.). Sa ngayon ay maliliit na nayon lamang ang makikita sa palibot ng napakalalaking kaguhuan ng mga templo ng inutil na mga diyos ng No.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share