Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • it-1 “Cabul”
  • Cabul

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • Cabul
  • Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Kaparehong Materyal
  • Hiram
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hiram-abi
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Hiram-abiv
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
  • Solomon
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
Iba Pa
Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 1
it-1 “Cabul”

CABUL

1. Isang bayan na kasama sa manang nakaatas sa tribo ni Aser. (Jos 19:24, 27) Ang katumbas nito ay ang makabagong Kabul, na mga 13 km (8 mi) sa STS ng Aco.

2. Pangalang itinawag sa isang distrito ng Galilea na binubuo ng 20 lunsod na ibinigay ni Solomon kay Haring Hiram ng Tiro. Malamang na ang kaloob na ito ay udyok ng pagpapahalaga ni Solomon sa tulong ni Hiram sa kaniyang programa ng pagtatayo. Gayunman, nang suriin ni Hiram ang mga lunsod, ang mga ito ay “hindi naging marapat sa kaniyang paningin,” anupat sinabi niya kay Solomon: “Anong uring mga lunsod itong ibinigay mo sa akin, kapatid ko?” Mula noon, ang mga ito’y tinawag na “Lupain ng Cabul.”​—1Ha 9:10-13.

Ayon kay Josephus, ang mga lunsod na ito ay “hindi kalayuan sa Tiro.” (Jewish Antiquities, VIII, 142 [v, 3]) “Galilea ng mga bansa” ang tawag ni Isaias (9:1) sa Galilea, at ipinapalagay ng ilang iskolar na malamang na mga pagano ang nakatira sa 20 lunsod na ito. Waring hindi naman ibibigay ni Solomon ang mga ito sa isang haring banyaga kung mga Israelita ang tumatahan dito. Posible pa nga na ang mga ito’y nasa labas ng mga hangganan ng teritoryong aktuwal na tinatahanan ng Israel, bagaman nasa loob pa rin ng orihinal na lupaing ipinangako ng Diyos sa Israel at nasakop ng ama ni Solomon na si David. (Exo 23:31; 2Sa 8:1-15) May mga kumukuwestiyon kung tama ang ginawa ni Solomon, batay sa kautusan ng Diyos sa Levitico 25:23, 24. Maaaring ang kautusang ito ay itinuring na kapit lamang sa rehiyong aktuwal na tinatahanan ng katipang bayan ng Diyos, at kung gayon ay hindi magiging mali ang kaloob ni Solomon. Kung hindi naman, ito’y isa pang halimbawa ng hindi niya lubusang pagtalima sa payo ng Diyos, gaya ng pagpaparami niya ng mga kabayo at ng pagkuha niya ng maraming asawa mula sa mga banyagang bansa.​—Ihambing ang Deu 17:16, 17 sa 1Ha 4:26; 11:1-8.

Hindi binabanggit sa ulat kung bakit hindi nasiyahan si Hiram sa mga lunsod. Iminumungkahi ng ilan na hindi maganda ang kalagayan ng mga ito dahil sa mga paganong tumatahan doon; iminumungkahi naman ng iba na di-kanais-nais ang lokasyon ng mga ito. Anuman ang naging kalagayan, ang hindi niya pagsang-ayon sa mga ito ang naging dahilan kung bakit tinawag itong “Lupain ng Cabul.” Naging paksa ng maraming talakayan kung ano ang kahulugan ng Cabul sa tekstong ito. Sinabi ni Josephus (na nabanggit na) na ang Cabul “sa wika ng mga taga-Fenicia ay binibigyang-kahulugan bilang ‘hindi kalugud-lugod,’⁠” ngunit walang masumpungang katibayan ang makabagong mga iskolar upang suportahan ang pagpapakahulugang ito. Sa pangkalahatan, iminumungkahi ng mga leksikograpo na isang uri ng panunudyo ang kasangkot dito, anupat ginamit ang Cabul dahil katunog ito ng pariralang Hebreo na kevalʹ, na nangangahulugang “walang kabuluhan.”

Sa isang katulad na ulat ng mga pangyayari nang matapos ang proyekto ni Solomon ng pagtatayo, binanggit ng 2 Cronica 8:2 ang mga lunsod “na ibinigay ni Hiram kay Solomon,” mga lunsod na muling itinayo ni Solomon para sa mga Israelita. Hindi sinasabi kung ito rin ang mga lunsod na ibinigay noon ni Solomon kay Hiram bilang kaloob. Kung gayon nga, ipinahihiwatig ng tekstong ito na tinanggihan ni Hiram ang kaloob. Iminumungkahi rin ng ilan na nagpalitan lamang sila ng mga kaloob na mga lunsod, bagaman hindi ito binabanggit sa ulat sa Unang Hari 9.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share