HADADRIMON
Maliwanag na isang lokasyon sa kapatagang libis ng Megido. (Zac 12:11) Kadalasang ipinapalagay na ang Hadadrimon ay ang Rummana, isang lugar na mga 7 km (4.5 mi) sa TTS ng Megido.
Sa hula ni Zacarias, ang ‘matinding paghagulhol’ sa Hadadrimon ay tumutukoy marahil sa panaghoy para kay Haring Josias na napatay sa pagbabaka sa Megido. (2Ha 23:29; 2Cr 35:24, 25) Gayunman, iniuugnay ng ilan ang panaghoy na ito sa mga ritwal na seremonya ng pagdadalamhati na katulad niyaong para sa huwad na diyos na si Tamuz (ihambing ang Eze 8:14). Itinuturing din nila na ang “Hadadrimon” ay tambalang pangalan ng isang diyos. Ngunit waring hindi posible ito, lalo na yamang ang mga salita ni Jehova kay Zacarias ay bahagi ng isang hula tungkol sa Mesiyas. Malayong mangyari na ang idolatrosong mga seremonya ng pagtangis ay magsisilbing isang makahulang ilustrasyon. Ngunit ang pagdadalamhati para sa isang tapat na hari ng Juda ay magagamit sa ganitong layunin.—Ihambing ang Ju 19:37 at Apo 1:7 sa Zac 12:10-14.